Nutrition facts
Ang pagkain ng dalawang itlog ay katumbas ng 30-minute na pagpapaaraw sa umaga kung saan Vitamin D ang sustansiyang makukuha ng katawan.
Ang pagkain ng isang dakot na almonds ay katumbas na dami ng calcium na makukuha sa pag-inom ng kalahating basong gatas.
Ang isang kiwi ay mas maraming Vitamin C kaysa isang oranges.
Ang iron na nakukuha sa isang tasang spinach ay katumbas ng iron na nakukuha sa isang maliit na piraso ng beef steak.
Ang tatlong pirasong Brazi nuts ay nakakapagbigay ng selenium na kailangan ng ating katawan per day.
Ang kalahating piraso ng avocado ay nagtataglay ng mas maraming potassium kaysa isang buong saging.
Ang isang tasang lentils ay may protein na katumbas ng tatlong pirasong itlog.
Ang isang medium size na kamote ay may Vitamin A na kailangan ng iyong katawan per day.
Ang dark chocolate ay may magnesium na kailangan ng ating katawan para sa mahimbing na pagtulog at marelaks ang muscle.
Ang bell pepper ay mas maraming Vitamin C kaysa lemon.
Kapag nagkakape ka o umiinom ng tsaa habang kumakain ng iyong meal, hinaharangan ng mga ito ang absorption ng iron sa iyong katawan. Sa halip na dumiretso sa loob ng katawan ang 100 percent na iron, mga 10 percent lamang ang maa-absorb ng katawan. Mas mainam na palipasin muna ang ilang oras pagkatapos kumain, saka magkape o mag-tsaa. O, iwasan nang magkape/tsaa at tubig/fresh juice na lang ang inumin.
- Latest