^

Punto Mo

EDITORYAL — EDSA Bus Lane panatilihin!

Pang-masa
EDITORYAL — EDSA Bus Lane panatilihin!

MAAYOS naman ang operasyon ng EDSA Bus Lane pero balak ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na tanggalin. Kung alin ang maayos na nagseserbisyo sa mamamayan, yun ang aalisin. Kung alin ang napapakinabangan, yun ang tatanggalin.

Ayon sa MMDA, ang planong pagtanggal sa EDSA Bus Lane ay gagawin kapag naisaayos ang Metro Rail Transit (MRT). Balak daw kasi ng Department of Transportation (DOTr) na magdagdag ng isang bagon sa mga train ng MRT na mayroong 30 percent capacity bawat biyahe. Kapag nasiguro na maa-accommodate ng MRT ang lahat ng pasahero ng bus carousel ay saka lamang isasagawa ang pagtanggal sa bus lane.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, kung maisasaayos ang MRT at maisasakay lahat ang pasahero, hindi na raw kailangan pa ang mga bus dahil pareho rin naman ang ruta at mas maraming station ang MRT kaysa bus carousel.

Ang planong pagtanggal sa EDSA Bus lane ay lumutang nang magpatawag ng meeting si President Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa Comprehensive Traffic Management Plan (CTMP). Kabilang sa mga dumalo sa meeting sina Executive Sec. Lucas Bersamin, DOTr Sec. Jaime Bautista, DPWH Sec. Manuel Bonoan, DILG Sec.  Jonvic Remulla at MMDA Chairman Artes.

Lumutang din sa meeting ang planong kolektahan ng bayad ang mga pribadong sasakyan na daraan sa EDSA. Ginagawa raw ang ganito sa Singapore na tinatawag na congestion charges. Ito raw ay para mahikayat ang mamamayan na gumamit ng public transport.

Suhestiyon din na para mapaluwag ang traffic, ipagagamit sa motorcycle riders ang bike lane. Sa pamamagitan ng paggamit sa bike lane, mababawasan ang aksidente ng mga motorsiklo. Seventy percent ng aksidente sa motorsiklo ay dahil sa pag-iwas sa trapik. Kung magsi-share ang bike at motorsiklo ay malaki ang mababawas sa trapik at aksidente.

Napag-usapan din sa meeting ang isasagawang rehabilitasyon sa EDSA na sisimulan na sa darating na Marso. Isasaayos daw ang Guadalupe Bridge sa Makati at ang Magallanes interchange sa Pasay.

Ang naganap na meeting ay walang kinahantungan kung tutuusin kung paano mapapaluwag ang trapik sa EDSA. Walang natumbok na pangmatagalang solusyon. At ang suhestiyon na tanggalin ang EDSA Bus Lane ang pinakamasama nilang naisip. Kamakalawa, sinabi ng DOTr na hindi naman daw aalisin ang EDSA Bus Lane.

Sa halip na tanggalin, isaayos o i-improve pa ang bus lane. Dagdagan at hindi bawasan. Ito ang tama.

EDSA BUS LANE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with