^

Punto Mo

EDITORYAL - Missing ‘sabungeros’ hinahanap pa ba?

Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
EDITORYAL - Missing �sabungeros� hinahanap pa ba?

Nawala ang 34 na sabungeros noong Disyembre 2020 hanggang Enero 2022. Hindi sabay-sabay ang kanilang pagkawala at iba’t iba rin ang lugar kung saan sila nawala na hinihinalang dinukot. May nawala sa Maynila, Bulacan, Rizal at Laguna. ­Nakadagdag sa hinala na kaya tumamlay ang PNP sa paglutas sa kaso ay dahil may mga pulis umanong sangkot sa pagkawala ng mga sabungeros. Dinukot ang mga ito habang nasa sabungan at ang iba ay habang palabas sa sabungan makaraan ang sabong.

Nakapagbigay naman ng pag-asa sa mga kaanak ng anim na missing sabungeros ang pagkansela ng Court of Appeals (CA) sa piyansa ng anim na akusado sa pagdukot sa anim na nawawalang sabungeros noong Enero 2022. Dinukot ang anim sa isang ­sabungan sa Maynila. Nakunan ng CCTV ang pagdukot at isinakay sa van ang mga sabungeros.

Batay sa 18-pahinang ruling ng CA Third Division, nagkaroon ng grave abuse of discretion ang judge ng Manila Regional Trial Court Branch 40, nang pagbigyan nito ang petition na makapagpiyansa ang mga akusado na kinabibilangan ng anim na ­security ­personnel ng Manila Arena. Naglagak ng tig-P3 ­milyong piyansa ang mga sekyu kaya nakalaya.

Hinihinalang mga pulis ang dumukot sa mga sabungeros. Sa San Pablo, Laguna, limang pulis ang inaakusahang dumukot sa master agent na si Ricardo Lasco ng San Pablo City, Laguna. Bagamat nahuli ang mga pulis, hindi pa rin panatag ang kalooban ng mga kaanak ni Lasco sapagkat hindi pa ito nakikita.

Sa isang pahayag noon ni Justice Sec. Crispin Remulla, sinabi nito na maaaring patay na ang mga sabungeros. Ayon kay Remulla, mabigat ang sitwasyon kaya ganito ang maaaring isipin. Sabi naman ng PNP noon, maaaring buhay pa ang mga sabungeros. Missing lamang umano ang mga ito at patuloy silang umaasa na matatagpuan ang mga ito. Ayon pa sa PNP, nakikita nilang motibo sa pagkawala ng mga sabungeros ay bilang pagganti sa ginagawa umanong pandaraya ng mga sabungeros kung saan natatalo o nalulugi ang may-ari ng sabungan. Ayon pa rin sa imbestigasyon, sangkot ang mga nawawalang sabungeros sa game-fixing.

Halos maglilimang taon nang nawawala ang sabungeros at ni anino nila ay hindi nasisilayan.

Malaking hamon sa PNP ang paghahanap sa mga nawawalang sabungeros. Hindi sana nila balewalain ang kasong ito. Hindi sana sila tumigil sa paglutas ng kaso sa kabila na may mga “kabaro” silang ­nasasangkot dito. Ipagpatuloy ang paghanap sa mga nawawalang sabungeros at maisilbi ang hustisya.

SABUNGEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with