^

Punto Mo

Courier ng kitchen-type shabu lab, arestado!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Noong una, POGO hub raid. Last week naman, ­kitchen-type shabu laboratory. Ang ipinagtataka ng mga kosa ko, bakit paboritong gawing pugad ng mga sindikato ng POGO at droga ang Cavite. Bakit kaya?

Hindi naman kaila sa mga kosa ko na si DILG Secretary Jonvic Remulla ay dating governor ng Cavite bago hirangin ni President Bongbong Marcos sa puwesto. Hindi lang ‘yan, maging si DOJ Secretary Boying Remulla ay taga-Cavite rin.

Hindi kaya ang sindikato ng POGO hub at droga ay ­nang-iinis lang sa Remulla brothers? Tanong lang po! Kasi nga naman ang Remulla brothers ay nasa forefront ng kampanya ni BBM vs POGO, droga at iba pang katiwalian. Kaya ang duda ng mga kosa ko, ginigiba ang imahe nila kay BBM? Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Matatandaan na ipinasara ng Remulla brothers ang dating pag-aari nilang Island Cove sa Cavite para malinis ang pangalan nila sa POGO. Umani ng pogi points dito ang magkapatid dahil lumalabas na wala silang kinikilingan sa kampanya vs POGO.

Kaya lang, matapos ang ilang linggo na ipinasara ni BBM ang POGO hubs noong Disyembre 30, ni-raid naman ni PAOCC Usec. Gilbert Cruz at CIDG director Brig. Gen. Nicolas Torre III, ang isang building sa Silang at naaresto ang 23 Chinese at anim na Myanmar nationals.

Nakumpiska ang mga gambling paraphernalia, computer sets at laptops. Medyo nabaon na sana sa limot ang insidente kaya lang last week natuklasan na naman ang isang kitchen-type shabu lab sa Tanza town. Ano ba ‘yan? Bakit puro sa Cavite eh ang dami namang probinsiya sa Pinas? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ito namang shabu lab ay noong Nobyembre pa nagsimulang mag-operate, ayon sa mga kosa ko, sa Leon Fojas St., Bgy. Sahod-Ulan, Tanza. Kaya nitong gumawa ng umaabot sa 20 kilos ng shabu kada araw. Kaya naman nabisto ang shabu lab dahil may pumutok sa loob ng bahay na naging dahilan para sumiklab ang sunog.

Ang huling nakita ng mga kapitbahay ay nagtakbuhang palabas ng bahay ang apat na Chinese at Indonesian-looking nationals at isang Pinay. Natagpuan ng nagresponding pamatay sunog ang iba’t ibang drug paraphernalia, kagamitan at assorted chemicals sa paggawa ng droga. Araguyyy! Teka, teka, may nakumpiska ring iba’t ibang klaseng droga. Sanamagan! Ang sakit sa bangs nito!

Ang maganda lang dito, kumilos kaagad si PRO4-A director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas at naareasto si alyas Yvonne, na tumatayong courier ng grupo. Ayon kay Lucas, kilala na rin ang iba pang suspects sa pamamagitan ng naiwang dokumento at backtracking sa mga kuha ng CCTV footages sa Tanza.

Bilang na ang mga araw n’yo mga kolokoy. Sinabi ni Lucas na nirentahan lang ng mga suspects at tinutuluyang bahay nila sa halagang P35,000. Hindi pa malaman kung nakapagbenta na ng kanilang produktong shabu ang mga suspects.

Si Yvonne ay kasalukuyang ipinasailalim sa tactical interrogation para mabatid ang puno’t dulo ng kitchen-type shabu lab. Hehehe! Magkakalinaw din ang kasong ito. Mismooo!

At lalabas ang katotohanan kung bakit sa Cavite nagtayo ang mga suspects ng kanilang illegal na negosyo. Baka dahil sa sobrang lawak ng probinsiya. Abangan!

POGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->