^

Punto Mo

‘Small habits’ na mabuti sa kalusugan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Laughing

Ang simpleng pagtatawa ay nakaka-burn ng 10-40 calories per 15 minutes at nakakababa ng stress.

Biking

Sa loob ng 30 minutes na pagbibisikleta, mga 250-500 calories ang naba-burn. Dagdag pa rito, nagpapalakas pa ito ng mga kasu-kasuan.

Walking

Ang naba-burn na calories sa bawat 10,000 steps ay 400-500 calories. Ito ang calories na nakukuha matapos kumain ng simpleng “meal” (agahan/tanghalian/hapunan).

Sleeping

Ang nagagawa ng 7-9 hours na pagtulog ay muscle repair, anti-aging at fat loss.

Writing

Ang naidudulot ng creative writing ay nagpapaligaya ng puso at nagpapataas ng pag-asa na ­maging maunlad ang pagkatao sa araw-araw.

Drinking

Ang pag-inom ng 500 ml na tubig bago kumain ng “meal” ay nagpapabilis ng metabolism ng 30 percent. Ibig sabihin ay nagiging mabilis ang pagtunaw ng pagkain kaya naiiwasan ang pagtaba.

Sunbathing

Ang pagbibilad sa araw sa umaga sa loob ng 20 minutes ay nakaka-improve ng mood, nagpapataas ng resistensiya sa sakit at nagdudulot ng Vitamin D.

Cold shower

Nagpapaganda ng daloy ng dugo, lumalakas ang resistensiya sa sakit, at nagdudulot ng sigla at panibagong lakas ng katawan.

High-protein breakfast

Ang pagkain ng agahan na matataas sa protina kagaya ng itlog ay nakakabawas ng katakawan sa meryenda ng 60 percent, nakakababa ng stress at nakaka-improve ng focus sa trabaho o pag-aaral.

SMALL HABITS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->