^

Punto Mo

Gen. Ibay, hinog na para mag-RD!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HULI man daw at magaling, maihahabol din! Angkop ang matandang kasabihan na ito kay MPD director Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay, ang Task Group Commander ng security coverage ng selebrasyon ng Feast of the Black Nazarene dubbed as “Nazareno 2025” mula Disyembre 30 hanggang Enero 10. Ginawaran ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ng Medalya ng Pambihirang Paglilingkod o PNP Special Service Medal si Ibay sa ginanap na okasyon sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City noong Lunes. Ang ibang NCRPO officials, PNCO’s at Non-Uniformed Personnel ay ginantimpalaan ng Medalya ng Kagalingan at Medalya ng Kasanayan.

“These officers played key role of managing the deployment of 11,000 personnel from the NCRPO, augmented by other PNP units, agencies volunteers and force multipliers,” ayon sa plake na iniabot ni Marbil kay Ibay. “Their efforts ensured the peaceful and orderly conduct of this major religious event,” dagdag pa ni Marbil.

Nagpahinga lang ng ilang araw si Ibay, abayyy nasabak kaagad siya sa rally for peace ng Iglesia ni Cristo sa Freedom Grandstand. Siyempre, ang security blanket na pinairal niya sa Feast of Black Nazarene ang nai-deploy ni Ibay na naging peaceful and orderly rin ang okasyon. Bigyang papuri ko rin ang mga kakosa sa INC. Kasi bago nila nilisan ang rally site, nilinis nila ang basura. Mabuhay ang mga kapatid natin sa INC!

Hindi lang ‘yan, naging matahimik din ang kapistahan ng Señor Sto. Niño at Chinese New Year sa Chinatown District sa Binondo, Manila noong Miyerkules. Sobra-sobra na ang nakalap na pogi points ni Ibay ah. Hinog na siya na maging Regional Director. Anong sey mo ­­Gen.Marbil Sir? Hindi nagkamali si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan sa pagpili kay Ibay na maging director ng MPD.

Noong na-assign pa si Ibay sa CIDG, abayyy aktibo talaga ito sa pakikibaka versus kriminalidad at iba pang kalaban ng gobyerno. Kaya kahit saan mang lupalop ng Pinas siya ma-assign dala-dala na niya ang kasipagan sa trabaho.  Alam ‘yan ng taga-MPD at maging ng mga Manilenyo. Kaya matapos ang apat na malalaking okasyon na matagumpay na na-secure ng MPD, balik trabaho si Ibay at nahuli ng opratives niya si Jomar Gesmundo, 40, sa isang buy-bust operation sa Sampaloc, Manila. Nakumpiska kay Gesmundo ang 44,000 gramo ng marijuana na nagkakahalagang P5.28 milyon. Abayyy libong kabataan ang nailigtas ni Ibay sa pagkaadik sa droga sa pag-neutralize niya kay Gesmundo, di ba mga kosa?

Ikinasa ang buy-bust operation kay Gesmundo matapos makakalap ng intel report ang MPD Station 4 sa Sampaloc na ito ang nagkakalat ng marijuana sa mga estudyante sa University Belt. Hindi nakahulagpos sa kapulisan si Gesmundo matapos tanggapin ang P20,000 boodle money mula sa police poseur-buyer sa bahay niya sa No. 1055 Crisostomo St., Bgy. 513, Zone 51 sa Sampaloc ng bandang 12:20 p.m. noong Enero 25. Mahabang panahon ang bubunuin ni Germundo sa kulungan. Abangan!

BLACK NAZARENE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with