^

Punto Mo

‘Human angel’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG araw sa supermarket. Mula sa matandang babae na nagbabayad sa cashier, pang-ikatlo si Rose sa pila. Ang ikalawang kostumer na nasa likod ng matandang babae ay isang lalaki na mukhang kagalang-galang ang bihis.

Narinig ni Rose na P820 ang total na binili ng kostumer number one dahil sinabi ito ng cashier. Binuksan ng matanda ang kanyang coin purse at isa-isang inilabas ang pera. Tinulungan ng cashier ang matanda na bilangin ang inilabas na pera na binubuo ng halo-halong coins, 20, 50, 100-peso bills.

Nang bilangin ang lahat ng pera mula sa wallet, ito ay P720 lang, kulang ng P100. Iilang items lang ang binili ng matanda pero umabot sa P820 dahil mahal ang binili niyang milk powder na pangmatanda. Saglit na nag-isip ang matanda at sinabi sa cashier na hindi na lang niya bibilhin ang gatas na may special formulation para sa matatanda na.

Samantala, nakita ni Rose na dumukot ng P200 sa bulsa ang lalaking nasa ikalawang pila. Yumuko ito, kunwa’y may dinampot at saka nagsalita sa matanda:

“O, may nalaglag sa sahig na P200, Mam, sa iyo po yata ito.”

Nagliwanag ang mukha ng matanda.

“Ay hindi ko alam…pero baka nga sa akin. Salamat,” sabi ng matanda.

Iniabot ng lalaki ang “napulot” na P200 sa matanda. Natuloy ang pagbili sa milk powder. Masayang umalis ang matanda dahil may P100 pang natira sa kanya.

Nakangiting nagsalita si Rose sa lalaki. “Sir nakita ko, sa iyong pera ang iniabot mo sa matanda.”

Nakangiting tumango ang lalaki. “Baka hindi tanggapin kung basta ko lang ibibigay. Kaya kunwari ay nalaglag sa kanya.”

“Bakit po P200?”

“Para may matirang P100 na pamasahe niya. Di ba nakita mo, P720 lang ang laman ng wallet niya.”

“Sir ang bait mo. God bless you po,” sabay thumbs up ni Rose sa kausap.

Naisip ni Rose, hindi sapat na basta lang maging mabait sa kapwa, dapat ay advance din mag-isip. Pinasobra ang ibinigay niyang pera para pamasahe ng matanda.

ANGEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with