^

Punto Mo

‘Ahas’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(LAST PART)

PARA akong binagsakan ng gumuhong gusali sa nasaksihan kong tanawin sa loob ng kuwarto magkapatong sina Cora at Romano. Hubo’t hubad. Humahaluyhoy ang boses ni Cora.

Walang kamalay-malay na nakapasok na ako sa loob at huling-huli sila sa akto.

Hindi ko na napigil ang sarili sa nasaksihan at nagsisigaw ako. Hindi ko na inintindi kung ­mag-eskandalo man ako.

“Mga walanghiya! Mga walanghiya!” sigaw ko at nagpalahaw ako sa pag-iyak. Itinodo ko ang pag-iyak. Iyon ang kauna-unahan kong ­pag-iyak na may kaugnayan sa kabiguan. Hindi ko akalain na ang kaibigan ko pa ang gagawa nun sa akin.

Saka pa lamang natauhan ang dalawa.

Nagmamadaling nagbihis ang mga ito.

Ako naman ay nagtungo sa aking kuwarto at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak.

Hanggan sa matanggap ko ang lahat. Hindi na ako dapat makipagmabutihan pa sa dalawa. Mabuti at natuklasan ko ang kataksilan habang maaga.

Mula noon, hindi na kami nagkita pa. Ayoko na silang makita.

Matagal bago ­gumaling ang sugat na nalikha ng nangyari.

Pero mabuti na lang at nakita ko ang tunay na ugali ni Cora na masahol pa sa ahas.

KARANASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with