^

Punto Mo

Habol sa bonus?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nag-resign po ako pagkatapos ng New Year. May nakapagsabi po sa akin na pagkaalis na pagkaalis ko ay nagbigay ng performance bonus ang dati kong kompanya para sa taong 2023. Patas po ba na hindi ako makatanggap ng bonus kung buong 2023 naman ay empleyado ako ng kompanya?  — Jel

Dear Jel,

Ang pagbibigay ng bonus ay kabilang sa mga tinatawag na management prerogative o iyong mga aspeto ng negosyo kung saan malayang makakapagpasya ang employer upang masigurado niya ang kapakanan ng kanyang negosyo.

Bilang isang management prerogative, hindi  obligasyon ng employer ang pagbibigay ng bonus bukod na lamang kung (1) bahagi ito ng isang kasunduan sa pagitan ng mga empleyado at ng kompanya katulad ng employment contract o collective bargaining agreement; (2) matagal nang practice o nakaugalian ang pagbibigay ng bonus; at (3) maituturing na bahagi ng sahod ng empleyado ang bonus.

Kahit pa angkop ang mga nabanggit sa sitwasyon ay hindi pa rin agarang masasabi na dapat kang makatanggap ng bonus; kadalasan kasi ay para sa mga kasalukuyang empleyado lamang ito.

Kaya puwera na lamang kung may pinanghahawakan kang basehan na malinaw na nagbibigay ng obligasyon sa dati mong employer na bayaran ka ng bonus matapos kang magbitiw sa trabaho ay malabong may habol ka pa sa binabanggit mong bonus.

Bukod kasi sa mga dahilang nabanggit ko, hindi talaga dapat ituring na obligasyon ng employer ang pagbibigay ng bonus. Mahalagang tandaan ito lalo na sa sitwasyon mo ngayon na hindi ka na naman nila empleyado.

BONUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with