^

Punto Mo

Mayang (120)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“KASI po Mam Araceli, may mga taong aali-aligid sa akin habang nagtitinda ako sa palengke. At nung nakaraang gabi, dalawang lalaki ang nilalagari ang gate. Tangka pong pasukin itong bahay. Suspetsa po namin ni Jeff ay mga tauhan nina Puri at Henry ang mga taong yun. Gagantihan nila ako dahil nakulong sila,’’ pagkukuwento ni Mayang sa mabait na guro.

Hindi agad nakapagsalita si Mam Araceli. Lumarawan sa mukha nito ang pagkabahala.

“Palagay ko ay tama ang suspetsa ninyo, Mayang.’’

“Bakit mo po nasabi, Mam Araceli?’’

“Nasagap na impormasyon ng inaanak kong police officer na nakahuli kina Puri at Henry, gagantihan daw ng mga ito ang mga taong nagpakulong sa kanila. At maski ang inaanak kong police officer ay may banta rin na papatayin. Hindi raw titigil ang dalawa hangga’t hindi nakagaganti. At makaraan iyon ay nakatakas na ang dalawa. At alam mo ba kung paano nakatakas? May hearing sa kaso nang matakasan ang escort nila. May balita na maaring nasuhulan ang escort kaya pinayagang makatakas.’’

“Wala po bang balita kung saan maaring nagtatago sina Puri at Henry?’’

“Wala pa. Patuloy pang hinahanap. Sabi ng inaanak kong pulis, mapanganib ang dalawa dahil miyembro sila ng sindikato. Maraming pera ang sindikato kaya madaling naisasagawa ang pagtakas.’’

“Natatakot ako Mam—hula ko ay narito na sila sa Pinamalayan at nagpaplano para ako gantihan. Maaring sila na ang mga taong nakita ko sa palengke. Sinusubaybayan nila ako. Sa halip na si Jeff ang kanilang gantihan, ako na lang.’’

Nag-isip si Mam Araceli.

Maya-maya may suggestion ito kay Mayang.

“Gusto mo tawagan ko ang inaanak kong police officer para masabi ang mga naobserbahan mo. Para mapayuhan ka ng mga gagawin.’’

“Sige po Mam Araceli.’’

“Sasabihin ko na may taong aali-aligid sa palengke at maski dito sa bahay. Ano pa ang sasabihin ko Mayang.’’

“Sinira ang gate ko at nagtatangka nang pumasok ang dalawang lalaki.’’

“Ano pa Mayang?’’

“’Yun lang po Mam.’’

“Tatawagan ko na si colonel.’’ (Itutuloy)

MAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with