BFP nurse na may kasong imoralidad, lumayas ng Pinas!
MAY punto si Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano ng paalalahanan n’ya ang mga empleyado ng gobyerno, partikular na ang nasa uniformed services, na panatilihin ang moralidad at respeto sa mga kahalagahang pampamilya.
Nasa tamang timing naman itong tagubilin ni Valeriano, ng House Committee on Metro Manila Development, dahil dumarami ang bilang ng mga empleyado ng gobyerno, lalo na ang kaso ni SFO2 Reyca Janisa Palpallatoc, na sangkot sa imoralidad. Araguyyy!
“Ang mga unipormadong personnel, tulad ng nasa BFP, pulis, at military, ay kailangang maging huwaran ng moralidad,” ani Valeriano. “Ang kanilang personal na kilos ay sumasalamin sa integridad ng mga institusyong kanilang kinakatawan. Ang ganitong asal ay nagpapahina sa tiwala ng publiko,” ayon pa ni Valeriano. Mismooo! Ang sakit sa bangs nito!
Si Palpallatoc ay inakusahan ni Faiza Mutlah Utuali, na nang-agaw ng kanyang asawang sinibak na opisyal ng Philippine Marine Corps. Bukod pa ito sa kasong, may nakabinbing warrant of arrest laban kay Palpallatoc na inisyu ng Pasay City court dahil sa kasong illegal recruitment na umano’y ginawa nito noong aktibo pa s’ya sa BFP.
Sa huling ulat ng mga kosa ko, si Palpallatoc ay nag-resign na sa BFP at lumayas na sa bansa. Flight ay sign of guilt? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Subalit hindi pa riyan nagtapos ang problema ni Palpallatoc. Sa ngayon kasi, dibdiban ang panawagan ni Utuali sa Professional Regulation Commission (PRC) na aksiyunan na ang reklamo niya laban kay Palpallatoc at ‘yun nga ay tanggalan ito ng lisensiya bilang nurse. Nadidismaya kasi si Utuali sa sobrang bagal ng PRC na umaksiyon.
“Isinumite ko ang aking reklamo sa PRC isang buwan na ang nakalilipas, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na tugon mula sa mga opisyal nito,” ani Utuali.
Kapag natanggal kasi ang lisensiya ni Palpalatoc, mahihirapan itong makapagtrabaho sa Indonesia, kung saan siya nagtatago. Sanamagan! Kailangan na ‘ata ang tulong ng Interpol para maaresto at maibalik sa Pinas si Palpalatoc. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Natuklasan ni Utuali ang relasyon ng kanyang asawa kay Palpalatoc noong Pebrero 2024. Abayyy love month pa ah! Si Palpallatoc, na nakapasa sa Nursing Board Exam noong 2012, at nagtrabaho bilang Emergency Medical Responder sa BFP, kung saan sila unang nagkakilala ng kanyang asawa, ani Utuali.
Sa kanyang reklamo, inilarawan ni Utuali ang relasyon bilang “walang hiya, imoral, at kasuklam-suklam na asal,” na aniya’y nagdulot ng nakalalasong kapaligiran sa lugar ng trabaho. “Ang kanilang lantad na pagpapakita ng pagmamahalan sa trabaho ay nagdulot ng pagkadismaya sa kanilang mga kasamahan, na nagbigay-alam sa akin dahil sila ay naasiwa,” sabi ni Utuali.
“Mas malala, nagkunwari si Reyca na nasa isang lehitimong relasyon siya sa aking asawa, walang pakialam sa disente at propesyonal na pag-uugali,” ang giit pa niya. Attention Rep. Valeriano Sir! Baka puwede ka manghimasok sa kasong ito ni Palpalatoc. Dipugaaa! Kanya-kanyang diskarte lang talaga!
Binigyang-diin ni Utuali na ang asal ni Palpallatoc ay paglabag sa mga etikal na pamantayan para sa parehong mga empleyado ng gobyerno at lisensiyadong nurse.. Binigyan-diin ni Utuali na hindi lang unprofessional at imoral ang ginawa ni Palpalatoc na sinira ang integridad ng propesyong nurse at nararapat lang na bawiin ng PRC ang lisensiya nito. Abangan!
- Latest