^

Punto Mo

Mayang (119)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGULAT si Mayang nang may marinig na tawag mula sa labas.

Kinabahan si Mayang. Sino kaya ang tumatawag sa ganito kaagang oras na halos hindi pa siya naka­pagluluto ng almusal.

Tinungo niya ang pinto para silipin kung sino ang tumatawag.

Nagulat siya nang ­makita kung sino.

Si Mam Araceli! Ang guro na mabait at tumulong sa kanya noon.

Nagmamadali si Mayang sa pagtungo sa gate para pagbuksan si Mam Araceli.

“Mam,’’ nasabi ni Mayang nang mabuksan ang pinto at pinapasok ang guro. Niyakap niya nang mahigpit.

“Tatawagan sana kita Mam. Mabuti po at dinalaw mo ako.”

“Oo. Nami-miss na kita Hiyasmin at si Jeffmari.’’

“Halika po sa loob.’’

Pumasok sila sa bahay.

“Maupo ka Mam. Sigurado ako na ­hindi ka pa kumakain ng almusal ano?’’

“Tama ka, Mayang. Mayroon akong biniling daing na galunggong. Ito ang iluto mo.’’

“Tamang-tama Mam. Gagawa ako ng fried rice.”

“Sige Mayang. Paborito ko ang sinangag at daing na GG.”

“Halika sa kusina Mam at panoorin mo ako sa pagluluto. At kuwentuhan mo rin ako ng mga nangyari sa iyo.’’

“Ay naku marami akong kuwento, Mayang. May maganda at may pangit. Unahin ko ang pangit. Di ba alam mo naman kung sino yung dalawag tao na muntik nang pumatay kay Jeff—yung nasa kulungan?”

“Opo—si Puri at si Henry na ka-live-in niya. Ano po ang tungkol sa kanila?’’

“Nakatakas sila sa kulungan. Hanggang ngayon, hindi pa sila nahuhuli.’’

“Diyos ko!’’

“Bakit Mayang? Bakit napa-diyos ko ka?’’

(Itutuloy)

MAYANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with