^

Punto Mo

‘Ahas’ (Part 12)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

PAREHONG sa Maynila kami nagko­lehiyo nina Cora at kasintahan kong si Romano. Sa iisang unibersidad din kami nag-enrol kaya nagkikita-kita pa rin kami lagi.

Ang tinitirahan naming boarding house ay magkakalapit din.

Kapag Linggo ay dinadalaw ako ni Romano sa boarding house. Maari namang dumalaw ang kaibigan o kamag-anak sa boarding house kong tinitirahan. Maluwag ang may-ari basta huwag lang magiging maingay.

Ang ipinagtataka ko, kapag dumadalaw si Romano sa akin ay pumupunta rin sa boarding house ko si Cora.

Hindi ko naman maaring itaboy at baka ­magtampo.

Kaya ang nangyayari, kaming tatlo ang nagkukuwentuhan. Hindi kami makapag-usap ng sarilinan ni Romano.

Hindi ko alam kung ­sinasadya iyon ni Cora para hindi kami ­magkasarilinan ni Romano.

Kung minsan, gusto ko nang prankahin si Cora. Pero baka naman masira ang pagkakaibigan namin.

Kaya hinahayaan ko na lang.

Baka makaramdam din ng hiya sa ginagawa.

(Itutuloy)

 

SNAKE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with