^

Punto Mo

Puwede bang ­mag-freelancer sa ibang kompanya?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Itatanong ko lang ang tungkol sa pagkakaroon ng multiple employment. Puwede ba akong mag-work as a freelancer sa ibang company na may kaparehong service ng employer ko? O bawal sa batas ito? Tuwing office hours at kapag weekends ko lang naman gagawin ang aking freelance work. —Ernie

Dear Ernie,

Wala namang pagbabawal ang ating batas ang pagkakaroon ng higit sa isang mapagkukunan ng hanapbuhay puwera na lang kung ikaw ay isang opisyal ng gobyerno.

Kung ikaw man ay bawal na magkaroon ng multiple employment ay nakadepende iyan sa nilalaman ng iyong employment contract at sa iyong mga tungkulin bilang empleyado.

Hindi maari ang plano mong mag-freelancer kung mayroong probisyon ang iyong employment contract na nagbabawal sa iyo na magkaroon ng iba pang trabaho lalo na kung ito ay para sa isang employer na nasa kaparehong negosyo o industriya ng iyong kasalukuyang pinapasukan.

Kung wala naman ang nabanggit na probisyon ay maari pa ring malagay sa alanganin ang iyong trabaho kung matatawag na confidential ang iyong posisyon at kakompetensiya ng kasalukyan mong employer ang iyong paglalaanan ng freelance work.

Maari kasing ipagpalagay na magreresulta sa “loss of trust and confidence” o kawalan ng tiwala ang iyong gagawing pagtatrabaho sa kakompetensiya ng iyong unang employer.

Kung hindi naman angkop sa sitwasyon mo ang mga nabanggit ay wala na akong nakikitang ibang maaring maging problema kung ikaw ay kukuha ng isa pang mapagkakakitaan, basta’t gagawin mo ito sa iyong sariling oras at hindi ito makaaapekto sa performance mo sa iyong kasalukuyang trabaho.

ERNIE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with