Mayang (118)
“Bukas o sa makalawa, magbu-book na ako sa eroplano. Ipagdasal mo na maging maayos ang flight ko at walang maging problema,’’ sabi ni Jeff kay Mayang.
“Ipagdarasal kita Jeff.’’
“Naalala ko nga pala, bakit hindi mo tawagan si Mam Araceli—yung teacher na tumulong sa atin. Baka makatulong siya sa problema.’’
“Oo nga Jeff—si Mam Araceli nga pala. Puwede natin siyang mahingian ng tulong.’’
“At saka naalala ko rin na mayroon siyang inaanak na police colonel na nakahuli sa mga taong nagtangka sa akin—sina Puri at Henry. Maaring alam ni Colonel kung may kinalaman sina Puri at Henry sa mga taong nagtatangka sa’yo.’’
“Tatawagan ko si Mam, Jeff.’’
“Sige Mayang. Mag-iingat kayo ni Jeffmari. Sabihin mo sa anak natin na malapit na akong dumating.’’
“Oo Jeff sasabihin ko.’’
“Nasaan si Jeffmari?”
“Natutulog pa. Madaling araw pa lang dito Jeff.”
“A sige Mayang. Basta mag-ingat kayong mag-ina. I love you.’’
“Love you too, Jeff.’’
Natapos ang pag-uusap nila.
Bagama’t may nararamdamang takot dahil sa mga taong nagtatangka sa kanya, malaking kasiyahan ang nadama ni Mayang sa ibinalita ni Jeff na malapit na itong dumating. Naisip ni Mayang na hindi na siya mag-iisa—may dadamay na sa kanila ni Jeffmari.
Ipagdarasal ni Mayang na maging maayos ang pagbibiyahe ni Jeff mula New Zealand.
Nang mag-umaga, tatawagan na sana ni Mayang si Mam Araceli nang may marinig siyang tawag mula sa labas.
“Mayang! Mayang!’’
Kinabahan si Mayang. Sino kaya ang tumatawag?
Tinungo niya ang pinto at sinilip kung sino ang tumatawag.
(Itutuloy)
- Latest