^

Punto Mo

‘Ahas’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 10)

NAPANSIN ko na napatingin si Cora sa akin nang sabihin ni Romano na handa ako nitong saklolohan at ipagtanggol sa lahat ng oras.

Hindi ko alam kung ano ang kahulugan ng pagtingin ni Cora sa akin. Pero mabilis ko rin namang nakalimutan yun.

Nang nasa 4th year high school na kami, nagulat ako ng isang araw na kaming dalawa lamang ni Romano ang nasa classroom ay bigla siyang nagtapat sa akin ng pag-ibig.

“Matagal na akong may gusto sa iyo Mary Grace. Sana, mahal mo rin ako.’’

Hindi ko na pinahirapan si Romano. Sabi ko, may gusto rin ako sa kanya. The feeling is mutual.

Masayang-masaya si Romano. Ako man ay masayang-masaya dahil talaga namang gusto ko siya.

Si Cora ang una kong pinagtapatan na magkasintahan na kami ni Romano.

Gulat na gulat si Cora.

“Magsiyota na kayo?’’ hindi makapaniwala si Cora. Para bang hindi inaasahan ang nangyari.

“Oo, Cora.”

“Akala ko’y…’’

“Anong akala, Cora?’’

“A e wala! Wala, Mary Grace!’’

(Itutuloy)

KARANASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with