^

Punto Mo

Pinakamaliit na escalator sa mundo, matatagpuan sa Japan!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA basement ng More’s Department Store sa Kawasaki, Japan, makikita ang isang kakaibang atraksyon: ang pinakamaliit na escalator sa buong mundo.

May taas itong 83.4 centimeters at mayroong limang baitang.

Itinayo noong 1989, ang escalator na ito ay bahagi ng plano upang ikonekta ang underground level ng naturang department store sa kalapit na Azalea underground shopping center.

Ngunit bukod sa hindi tugma ang sukat ng mga palapag, may nilagay ditong konkretong beam na naging dahilan para hindi magkasya ang motor ng escalator.

Dahil dito, nagdesisyon ang mga engineer na gawing mas maliit ang escalator imbes na alisin ito sa plano.

Sa huli, ito ay naging opisyal na smallest escalator sa mundo, na nakatala pa sa Guinness Book of World Records.

Bagama’t wala masyado itong pakinabang, nagbigay ito ng aliw sa mga bisita at naging atraksyon sa Kawasaki.

Sa kasalukuyan, ang escalator na dating pababa ang direksyon, ay ginawa ng pataas walong taon na ang nakalipas upang mas maging kapaki-pakinabang sa mga dumadaan dito.

ESCALATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with