^

Punto Mo

EDITORYAL — Huwag nang ­magpadala ng Pinay workers sa Kuwait

Pang-masa
EDITORYAL — Huwag nang ­magpadala ng Pinay workers sa Kuwait

ITIGIL na ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga Pilipinang domestic workers sa Kuwait. Ito ay para matigil na ang sunud-sunod na pagpatay sa mga ito ng among Kuwaiti. Kung hindi ititigil, magbibilang na lamang ng mga inaabuso at pinapatay na Pinay domestic workers. Tama na ang pagpapadala!

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), 215,000 ang overseas Pilipino workers sa Kuwait at 60 percent ng mga ito ay nagtatrabahong domestic workers. Ang Kuwait ang ikaanim na bansa na hantungan ng mga Pilipino para magtrabaho.

Subalit masyadong delikado at maituturing na ang kalahati ng katawan ay nasa hukay ang pagtatrabaho sa nasabing bansa. Napatunayan ito dahil sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga Pinay domestic workers. Mula 2016 hanggang sa kasalukuyan, maraming karumal-dumal na pagpatay sa Pinay workers ang nangyari.

Nagkasundo ang Pilipinas at Kuwait sa proteksiyong ipagkakaloob sa OFWs. Nagkaroon ng paglagda na ­pangangalagaan ng Kuwait ang karapatan ng OFWs particular na ang domestic workers. Subalit ang kasunduan ay hindi natupad ng Kuwait. Nagpatuloy ang mga pagpatay na ang pinakabago ay ang ginawa kay Dafnie Nacalaban na ang bangkay ay natagpuan noong nakaraang Enero 2.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, dalawang buwan nang nawawala si Dafnie nang matagpuan ang bangkay. Ang itinuturong pumatay ay si Jarrah Jassem Abdulghani, amo ni Dafnie. Nanilbihang domestic worker si Dafnie noong Disyembre 2019.

Sumunod na namatay sa Kuwait ay ang Pinay na si Jenny Alvarado na namatay dahil nakalanghap ng usok mula sa uling na ginagamit sa pinagtatrabahuhan. Ang nakahihindik, nang ipadala ang bangkay ni Jenny noong nakaraang linggo, maling bangkay ang naipadala—sa kasamahang Nepalese na namatay din sa suffocation. Nakarating na ang tamang bangkay ni Jenny noong nakaraang linggo.

Noon pa, marami nang panukala na itigil nang tuluyan ang pagpapadala ng OFWs sa Kuwait makaraang patayin sina Juleebee Ranara, Joanna Demafelis, Constancia Dayag at Jeanelyn Villavende. Karumal-dumal ang ginawa kay Ranara na matapos gahasain ay pinatay ng amo at sinunog ang bangkay. Si Demafelis, makaraang patayin ng amo ay inilagay sa freezer.

Subalit hindi umaaksiyon ang pamahalaan para itigil nang tuluyan ang pagpapadala ng domestic workers. Kailan ito gagawin kapag may mga napatay pang Pinay? Itigil na ito ASAP.

DOMESTIC WORKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with