^

Punto Mo

‘Skeletons in the closet’ ng mga kilalang tao (Part 3)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Thomas Jefferson:

Ipokrito si Jefferson! ‘Yan ang sigaw ng kanyang mga kritiko. Si Jefferson ay nabiyudo bago pa siya naging presidente ng United States. Hindi na siya nag-asawa pero lihim siyang nakipagrelasyon sa isa nilang slave na nagngangalang Sally Hemming.

Noong 18th century, nakaugalian na ng mga mayayamang “whites” na gawing kerida ang magaganda nilang slaves. Itatago nila ang relasyon at pagkatapos ay itatangging anak ang naging bunga ng ikinahihiya nilang pakikipagrelasyon. At ganito ang nangyari kay Jefferson.

Anim daw ang naging anak ni Jefferson kay Sally Hemming habang siya’y nanunungkulan bilang presidente ng Amerika ngunit ito’y hindi matiyak kung gaano katotoo dahil tigas nga ng pagtanggi si Jefferson. May ginawang DNA testing sa mga anak at isa sa anak na lalaki ni Sally ay napatunayang anak talaga ni Jefferson.

Ang nakalulungkot, si Sally ay nanatiling slave hanggang sa kanyang kamatayan kahit pa lihim siyang nakipagrelasyon sa pinakamataas at pinakamakapangyarihang pinuno ng bansa.

Winston Churchill

Galit si Winston Churchill sa Red Indians ng America, black people ng Australia at Jews. Sa kabila ng pagtutol ng mga tao sa paggamit ng gas para bitayin ang isang kriminal, may sinabi si Churchill sa isa niyang speech na nagpapatunay ng pagiging racist:

“Ewan ko ba kung bakit tinututulan ng marami ang paggamit ng gas. Para sa akin, gamitan ng poisonous gas ang mga nagkakasalang uncivilized tribes.”

UNITED STATES OF AMERICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with