^

Punto Mo

Mayang (115)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINAGABIHAN, dakong alas onse, nagising si Mayang sa kaluskos na nagmumula sa gate. Walang ipinagkaiba sa kaluskos na narinig niya may dalawang linggo na ang nakararaan.

Pinakinggang mabuti ni Mayang ang kaluskos.

Sa pagkarinig niya, parang nilalagari ang bakal na gate?

Pinakinggan pa niyang mabuti. Ganun nga ang dinig niya.

Marahang tinungo ni Mayang ang cabinet kung saan nakatago ang mga agimat na. ibinigay ni Lolo Nado.

Una niyang kinuha ang agimat na pangil ng baboyramo. Ikinuwintas niya ito. Pagkatapos ay kinuha ang latigong bagin.

Dahan-dahan siyang lumabas sa kuwarto. Iniwasan niyang makalikha ng ingay para hindi siya mamalayan ng kung sinumang nagtatangkang pumasok sa bahay.

Kung tama ang dinig niyang nilalagari ang bakal na gate, may balak pumasok ang mga masasamang loob.

Mga magnanakaw kaya?

O ang mga ito rin ang nakita niyang nagmamatyag sa palengke?

Balak kayang magnakaw lang o nais gumanti gaya ng sinabi ni Jeff dahil sa pagkakulong nina Puri at ka-live-in nito?

Sumilip muna si Mayang sa bintana. Wala siyang makitang tao pero naririnig niya ang paglagari.

Hindi pa siya nakapagpapa-install ng CCTV dahil naging busy siya sa palengke. Nagsisi siya na dapat inuna ang CCTV.

Ipinasya ni Mayang na lumabas para makita kung tama ang hinala niya.

Dahan-dahan niyang binuksan ang main door.

Nang mabuksan, lumabas siya. Dahan-dahan.

Mahigpit ang hawak niya sa latigong bagin. Sabi ni Lolo Nado, isang pilantik lang ng latigo ay matatalo ang mga masasamang loob.

Tinungo niya ang gate.

Humanda kayo! (Itutuloy)

MAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with