^

Punto Mo

Gen. Torre sa detractors: ‘Mag-marathon tayo!’

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HINAMON ni CIDG director Brig. Gen. Nicolas Torre III ng marathon ang kanyang mga detractors para patunayan na walang problema ang kalusugan niya.

Ginawa ni Torre ang paghahamon kay mediaman Jay Sonza at vloggers nang mainterbyu ng PNP Press Corps sa 72nd anniversary sa Camp Crame noong Lunes. Nang tanungin ng media kung nagkasakit siya nitong nagdaang mga araw, tahasang sumagot si Torre na: “Hindi, very healthy. Puwede tayong mag-marathon ngayon kung gusto nila.”

Ang hindi alam ng detractors niya, si Torre ay namamataan na palaging nagdya-jogging sa fitness lane sa harap ng grandstand sa Camp Crame. Jogging mga kosa ha, hindi walking! Kaya sinabi ng mga kosa ko na physically fit si Torre at iiwanan nito ng milya-milya sina Sonza at vloggers kapag tinanggap ang hamon niya na marathon. Gets n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kaya naman galit na galit si Torre kina Sonza at vloggers dahil ikinakalat ng mga ito na may sakit siya. Nagpalabas pa ang mga ito ng litrato na nasa ospital ang CIDG director. Sanamagan! Ayon kay Torre, hinahanap niya ang naturang ospital kasi dun sa picture guwapo siya. Eh di wow!

“Hinahanap ko nga yung ospital na yun eh kasi guwapo ako dun ha. Divided chin maskulado pa. Pogi eh,” ani Torre. Sinisiguro ni Torre na fake photo ito o photoshop! Dipugaaa! Ang sakit sa bangs nito!

Ayon kay Torre, iba-ibang personal na atake ang natatanggap niya matapos matagumpay na maaresto si Kingdom of Jesus Christ pastor Apollo Quiboloy sa Davao City.

“Halo halo na yun. Iba-iba na ang pinanggagalingan ng mga personal attacks against the organization in general, against the government in particular. Pero sa akin, on the personal note nakikita ko iba iba na eh,” ani Torre. “Siyempre I am one of the personalities na talagang nakikita nila na nagpa-file ng kaso against sa kanila. So yun siguro ang motibo,” ang dagdag pa niya.

Kung sabagay, hindi lang si Quiboloy ang kinasuhan ni Torre kundi kasama na si kosang Dado, na panay lambada sa gobyerno ni President Bongbong Marcos at nanawagan pa ng pag-alsa ng mga Pinoy, di ba kosang Grace? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Pero lintik lang ang walang ganti, ani Torre. Sa ngayon, naghahanda na ang mga abogado ni Torre para sampahan ng cyber libel sina Sonza at kasamang vloggers. Araguyyy!

Sinabi ni Torre na tatapusin lang niya ang CIDG anniversary at ang Congressional hearing bago isampa ang kaso sa Department of Justice. Eh di wow?

“So, I really would like to bring them to court kasi dito naman sa Bagong Pilipinas ‘yan ang tama eh. Kung meron tayong nakitang mali, ang redress ay nasa korte. So I’m going to file cases against them,” ang giit ni Torre. “Saka ‘yung mga makabatikos talagang akala mo sila ang nakaaalam ng lahat. So ito lang kasi ang challenge d’yan.” Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Hinamon ni Torre sina Sonza at mga vloggers na kung tama sila at matapang, dapat talagang isulat nila, pirmahan at i-file sa korte. Nang sa gayon, kapag sinagot sila ng counter-affidavit hindi nila puwedeng sabihin na joke lang ang nangyari.

“Ang galing magsalita, pero kapag tinanong mo na sa Kongreso ide-deny na pagkatapos ang pinaka-worse sasabihin joke only. Hindi puwede ganun bagong Pilipinas na eh and we have to really submit to the rule of law, we have to respect due process.”

Abangan!

MARATHON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with