^

Punto Mo

Mayang (114)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MULA nang mapansin ni Mayang ang dalawang lalaki noon na ilang beses pabalik-balik sa loob ng palengke, naging mapagmatyag na siya. Lahat nang dumadaan sa harap ng kanyang tindahan ng damit ay masusi niyang kinikilala. Tinandaan din niya ang sinabi ng pulis na kapag may kaduda-dudang mga tao na mapapansin ay ipagbigay-alam agad sa kanila. Malapit lang naman daw ang police station sa palengke. Kailangan daw ang pakikipagtulungan ng mamamayan para mahuli ang mga masasamang loob.

Pero mula nang isumbong niya sa nagrorondang pulis ang dalawang lalaki noon, hindi na niya nakita muli ang mga lalaki.

Maski ang kasamahang tindera na si Mars ay hindi na rin napansin ang mga lalaking nagmamatyag.

“Baka natakot na sila, Mayang! Nalaman siguro na may nagrorondang pulis dito sa loob ng palengke,’’ sabi ni Mars.

“Baka nga Mars. Ikaw, ba may napapansin pa?’’

“Wala Mayang!’’

“Mabuti naman. Nakakakaba rin na may mga taong aali-aligid dito sa palengke.”

“Oo naman Mayang. Malay ba natin kung mga holdaper ng pawnshop o money changer ang mga yun. Baka magsagawa ng holdap at maaktuhan ng mga pulis at magbarilan.’’

“Oo nga Mars. Yan ang nakakatakot. Paano kung tayo ang tamaan ng ligaw na bala? Siyempre, baril dito, baril doon ang gagawin ng mga holdaper. Nakakatakot!’’

“Kaya dapat hindi tayo magkampante, Mayang. Kapag may nakita tayong mga kahina-hinalang lalaki, ireport agad natin Mayang.’’

“Oo Mars. Pero sana naman ay wala na nga ang mga lalaki. Para maging matiwasay na ang kalooban natin.’’

Mula naman nang isumbong nina Mayang at Mars sa nag­rorondang pulis noon ang dalawang lalaki, naging  regular na  ang pagroronda sa buong palengke. Apat na pulis ang nagroronda sa loob ng palengke at mas madalas kung Sabado na araw ng tiyangge. Marami kasing tao.

Medyo napanatag ang kalooban ni Mayang.

Pero kung nawala ang mga taong nagmamatyag sa palengke, muli namang naramdaman ni Mayang ang mga kakaibang kaluskos sa gate ng kanyang bahay.

Hindi niya malaman kung tao o hayop ang gumagawa ng kaluskos. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with