Ang kabayaran sa ninakaw na amoy (Last part)
“Hangin ang kusang nagdala ng amoy sa aking ilong kaya huwag mo akong paratangan na ninakaw ko ang amoy ng iyong tinapay,” katwiran ng lalaking mahirap.
“Ang mabuti pa, pumunta tayo sa huwes ng bayan at doon ko idudulog ang reklamo ko sa iyo,” sagot ng nayayamot na panadero.
Nagharap sila sa huwes at inilahad dito ang reklamo.
Matapos marinig ng huwes ang katwiran ng dalawang panig, pinayuhan nito ang dalawa na bumalik kinabukasan upang magkaroon ng formal hearing. May pahabol ang huwes sa lalaking mahirap: “Magdala ka ng 5 gold coins”.
May naipong 5 gold coins ang lalaki na nagsisilbi niyang tanging yaman na naipon simula pa ng nagtrabaho bilang tagawalis ng kalsada. Nanghihinayang siya kung mapupunta lang iyon sa ganid na panadero.
Kinabukasan, inutusan ng huwes ang lalaking mahirap na singhutin ang amoy ng tinapay na nanggagaling sa panaderya.
“Malinaw mo bang naamoy ang aroma ng tinapay?”
“Opo,” sagot ng mahirap.
“Nasaan ang gold coins mo?” muling tanong ng huwes sa mahirap na lalaki.
Ipinakita ng lalaki ang gold coins na nasa kanang kamay.
“Ilipat mo sa iyong kaliwa, then, ilipat mo ulit sa kanan. Limang beses mong gawin ang pagpapalipat-lipat at be sure na kakalansing ang mga coins.”
Natapos ang paglilipat-lipat ng coins sa mga kamay ng lalaking mahirap.
Hinarap ng huwes ang mayamang panadero.
“Narinig mo ba nang malinaw ang kalansing ng coins?”
“Opo,” sagot ng mayamang Panadero.
“Tapos na ang usapan, nakabayad na sa iyo ang lalaking inakusahan mong nagnakaw ng amoy ng iyong tinapay. Ang narinig mong kalansing ng kanyang 5 gold coins ang kabayaran sa amoy ng tinapay na nasinghot niya. So quits na kayo!”
- Latest