^

Punto Mo

Table Tennis duo sa Sweden, nakapagtala ng World Record nang maglaro ng 13 oras!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Nakamit nina Emil Ohlsson at Fredrik Nilsson, ang “Spin Duo,” ang bagong world record para sa titulong ‘Longest Table Tennis Rally’ na tumagal ng 13 hour, 37 minutes, at 6 seconds. Naganap ang kanilang record attempt noong July 20, 2024, sa Slice Malmö, isang ping-pong bar sa Malmö, Sweden.

Bunga ng apat na buwan na pagsasanay, nagawa nilang magpalitan ng bola nang tuluy-tuloy at walang pahinga, habang sinusuportahan ng kanilang mga kaibigan at pamilya. Naging hamon ang focus at multitasking, tulad ng pagkain habang nagpapatuloy ang laro, na mahigpit na mino-monitor para matiyak na hindi sila tumitigil.

Lubos ang kanilang saya nang malampasan ang dating record na itinakda ng dalawang manlalaro mula sa U.K. noong June. Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon at husay sa table tennis.

TABLE TENNIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with