^

Punto Mo

Ahas’ (Part 4)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Nasundan pa ang pangyayari na lalong nagpatindi sa pagkatakot ko sa ahas. Talagang maisusumpa ko ang pangyayaring iyon.
Nasa grade 6 ako noon. Tuwing Biyernes ay ako naka-toka na maglinis ng pisara. Kailangang-malinis na malinis ang pisara para sa pagpasok ng Lunes ay maganda ang sasalubong sa teacher at mga students.

“Mary Grace, linisin mong mabuti ang pisara,’’ sabi ng aming leader.

“Oo, Lily. Lilinisin kong mabuti.’’

“May basahan sa likod ng pisara. Basain mo at saka ipunas sa pisara.’’

“Oo Lily. Kukunin ko ang basahan.’’

Umalis na si Lily at ang iba pa naming miyembro ang hinarap.

Pumunta ako sa likod ng pisara. Makitid lamang ang awang ng pisara sa likod kaya dinukot ko ang basahan.

Hinalihaw ko ng kamay para maabot ang basahan na nakatago roon.

Pero ganun na lamang ang pagkagulat ko sa sapagkat sa halip na basahan, ay madulas na bagay ang nahipo ko.

“Ahasss! May ahasss sa likod ng pisara!’’ sigaw ko.

Nagulantang ang lahat sa sigaw ko.

Nagtakbuhan.

(Itutuloy)

AHAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with