Health tips
• Mainam na kainin ang yogurt pagkatapos ng dinner para matulungang matunaw nang mabilis ang kinain sa hapunan. Huwag kumain pagkatapos ng agahan dahil may tsansang mangasim ang sikmura.
• Anim na senyales na kulang sa sustansiya ang katawan:
1. Laging pinupulikat
2. Grinding teeth
3. Madalas ginawin
4. Nanlulugon ang buhok
5. Nawawalan ng pakiramdam ang mga daliri
6. Natutulala ng ilang minuto na parang hindi malaman ang gagawin
• Ang medium size na nilagang kamote ay may 40 percent vitamin A na kailangan para sa malinaw na paningin at magandang kutis.
• Bakit kailangan nating uminom ng sapat na tubig:
1. Kailangan ng utak ng 73 percent na tubig
2. Kailangan ng balat ng 64 percent na tubig
3. Kailangan ng lungs ng 83 percent na tubig
4. Ang dugo ay kailangan ng 82 percent na tubig
5. Ang buto ay kailangan ng 31 percent na tubig
6. Ang muscle ay kailangan ng 79 percent na tubig
• Ang pipino ay may 80 percent na tubig kaya may kakayahang tumunaw ng stone sa kidney. Pinagagaling nito ang stomach ulcer, regulate blood pressure, nagpapagaling ng sakit ng ulo at nagpapaganda ng kutis.
• Kayang patayin ng papaya ang bulati sa tiyan dahil taglay nito mataas na concentration ng papain, isang enzyme na nagpapalabas ng intestinal parasite mula sa bituka. Dagdag pa rito, ang papain ay nagtatanggal ng gas at bloating, at tumutulong sa healthy digestion.
- Latest