Gen. Torre, sumaklolo sa snatching victim!
ABOT LANGIT ang pasasalamat ng estudyanteng si Melaize Fernandez, 23, kay CIDG director Brig. Gen. Nicolas Torre III at mga pulis sa Southern Police District matapos maisauli ang kanyang IPhone na nai-snatch sa Guadalupe bridge sa Makati City.
Sa biglang tingin mga kosa, maliit na kaso lamang ito. Kaya lang binigyan pansin ni Dipuga dahil maraming leksiyon ang matutunan dito, lalo na’t sa panahon na kaliwa’t kanan ang mga pagbabatikos na tinatanggap ng ating Philippine National Police.
At itong kuwento ni Fernandez ay masasabi kong good news para sa PNP, at sana tularan ito ng iba pang mga units at commands ng pulisya nang sa gayon ay tuluy-tuloy na ang pagbangon ng kanilang dumapang imahe. Mismooooo! Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sa kuwento ni Fernandez, ganito ang nangyari mga kosa. Kasalukuyang binabagtas ng sinasakyang kotse ni Fernandez ang itaas ng Guadalupe Bridge sa Brgy. Guadalupe Nuevo noong Enero 7 nang naisipan ng biktima na buksan ang bintana ng sasakyan.
‘Yan ang malaking pagkakamali ni Fernandez. Dahil wala pang limang minuto, biglang hinablot ng lalaki ang kanyang IPhone. Kumaripas ng takbo ang suspects sa Clover Leaf sa Brgy. Guadalupe Nuevo. Abayyy, magkapitbahay lang pala sila at hindi magkakilala. Sinubukan ni Fernandez na habulin ang suspect subalit na low bat ang radar n’ya. Eh di wow! Ang sakit sa bangs nito!
Nawalan na ng pag-asa si Fernandez na mabawi ang IPhone niya. Lulugo-lugo s’ya pabalik ng kotse nang timing namang dumaan ang CIDG vehicle na ang lulan ay si Gen. Torre.
Dahil na-attract sa kaguluhan, bumaba si Torre at mga kasamahan at giniyahan si Fernandez kung anu-ano ang gagawin hanggang sa sinamahan ang biktima sa opisina ni Maj. Welken Noblejas, ang commander ng Sub-Station 7 ng Makati police. Hinabilinan ni Torre si Noblejas na lutasin ang kaso ni Fernandez at ibalik ang IPhone nito. Ang suwerte ni Fernandez at kahit may importanteng lakad si Torre ay binigyan pansin pa ang kaso niya. Dipugaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Masipag naman si Noblejas. Nag-backtracking kaagad ito sa mga CCTV sa nasabing barangay, at nakilala ang suspect na si Russel Villanueva, 18, sa pamamagitan ng mug shot nito sa kasong droga. Kinumpirma ito ni alyas Punggok na tambay din sa Guadalupe bridge.
Dahil hindi makita si Villanueva sa address n’ya, kinasuhan ito ni Noblejas ng robbery-snatching. At nakipag-coordinate si Noblejas sa Muslim vendors at nabawi ang IPhone ni Fernandez, na ibinalik sa kanya noong Enero 10. Eh di wow! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
“Ako po ay lubos na nagpapasalamat kay Gen. Torre at sa mga miyembro ng pulisya from Guadalupe Sub-station 7, lalo na kay Maj. Noblejas, Sub-station Commander, Makati CPS sa pag recover ng aking Iphone na naisnatch,” ani Fernandez sa kanyang post sa social media.
“Ang inyong malasakit at mabilis na aksyon ay hindi ko po malilimutan. Salamat po, Gen. Torre, sa inyong pagsama sa akin upang makipag-ugnayan sa mga pulis at tiyakin na mabilis na matutugunan ang aking sitwasyon,” aniya. “Kahit napadaan lamang po kayo sa Guadalupe bridge at wala pang ilang minuto na nahablot ang aking IPhone ay hindi po kayo nagdalawang isip tulungan ako at samahan sa mga pulis.”
Naiiba talaga si Gen. Torre, no mga kosa? May your tribe increase Gen. Torre Sir! Abangan!
- Latest