Health secrets
• Ibabad muna ng magdamag ang almond bago kainin upang maging mabuti ang panunaw sa pagkain at masipsip ng katawan ang sustansiya ng kinakain.
• Mas mainam na kainin ang papaya habang wala pang laman ang tiyan upang matulungan ang iyong digestive system na tumunaw ng pagkain. Paraan din upang mapalabas sa katawan ang toxic waste.
• Kainin ang prutas nang wala pang laman ang tiyan. Kapag nagsabay ang prutas at kanin sa tiyan, ito ay mangangasim na magiging dahilan ng pagsakit ng tiyan. O, palampasin ang isang oras pagkatapos kumain ng meal.
• Magdagdag ng cinnamon at cocoa powder sa iyong kape upang ma-improve ang mood at metabolism at makontrol ang pagtaas ng blood sugar.
• Ang kimchi, yogurt, at pickles ay nakatutulong upang maging healthy ang bituka at maging maayos ang pagtunaw ng pagkain.
• Gamitin ang olive oil sa halip na refined oil. Ang olive oil ay may anti-oxidants at anti inflammatory properties.
• Idagdag sa daily diet ang isang dakot na nuts. Ang almonds at walnuts ay mayaman sa healthy fats and nutrients.
• Sa umaga pagkagising, uminom ng warm lemon water. Nililinis nito ang iyong katawan at pinasisigla ang pakiramdam.
• Maraming tubig ang inumin sa araw at kaunti sa gabi. Mainam na hydrated ang katawan sa umaga para madagdagan ang energy. Sa gabi, ang resulta nang maraming nainom ay putul-putol na tulog dahil sa madalas na pag-ihi.
- Latest