^

Punto Mo

Usapang pag-aasawa at hiwalayan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Sa U.S., 85 percent ng matatabang nagpakasal ay nagdesisyong sumailalim sa Bariatric surgery upang magpapayat para sa kanilang asawa. Ngunit pagkalipas ng dalawang taon pagkatapos ng surgery ay dinidiborsiyo nila ang kanilang asawa dahil may natagpuan na silang iba. Noong pumayat na, naging “habulin” na sila ng opposite sex.

• Noong unang panahon sa Turkey, puwedeng idiborsiyo ng mga misis ang kanilang asawa kung magkukulang ang mga ito na silbihan siya ng kape araw-araw.

• Ang mail-order marriage sa U.S ay laging natatapos sa pagdidiborsiyo.

• Ang isang sign ng masayang buhay may-asawa ay mabilis kumalma si Misis pagkatapos na makipag-away  kay Mister.

• Nang magdiborsiyo sina  Russell Brand at Katy Perry, may karapatan si Russel na kuhanin ang 50 percent ng $44 million na kinita ni Katy sa buong panahon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Ngunit tumanggi si Russel at ni isang sentimo ay wala siyang kinuha kay Katty Perry.

• Ayon sa resulta ng isang survey sa Amerika, mas masaya at nagtatagal ang pagsasama ng mag-asawa kung mas inuuna ng babae ang kaligayahan ng asawa kaysa kanya. Lumabas sa survey na ang pagsasama nila ay tumatagal ng 39 years o higit pa.

• Noong 2011, isang babaeng French ang nagdemanda sa kanyang asawa dahil hindi nito nagagampanan ang kanyang obligasyon (sex) bilang asawa. Pinanigan ng korte ang tigang na Misis at binayaran siya ni Mister ng  $15,000.

• Ipinag-uutos ng batas sa Iran na sumailalim ang mga babae at lalaki sa isang contraceptive courses bago mag-aplay ng marriage license.

• Noong unang panahon sa Greece, ang paghahagis ng mansanas sa babae ay isang paraan ng marriage proposal.

• Nababawasan ang kaligayahan ng buhay may-asawa kung mas malaki ang kinikita ng babae kaysa lalaki.

MAG ASAWA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with