Super higpit ang seguridad ng Traslacion! — Marbil
NAG-IIKOT sa mga “tabakuhan” sa Kalakhang Maynila sina Jonjon Galugad, Diego, Boyet, Richard, Tisoy, at Ian at nagpapakilalang sila na ang “timon” ng Bicutan. Owww! Tsk tsk tsk! Ayosss ba boss James Paras?
Umiikot ang mga tong collector habang abala sina PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, NCRPO chief Brig. Gen. Anthony Aberin at MPD director Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay sa seguridad ng Feast of Black Nazarene bukas. Sanamagan! Sumalisi pa ang mga kolokoy!
Maapektuhan kaya ng panghaharabas ng mga tong collector na ito ang tsansa ni Aberin na ma-promote sa Command Group? Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Lagot kayo kay Aberin dahil hindi Able, Active at Allied ‘yang ginagawa n’yo mga kolokoy! Mismooo!
Sinabi ni Marbil na super higpit na seguridad ang ilalatag ng PNP sa Traslacion, sa tulong ni Manila Mayor Honey Lacuna, religious organizations at iba pang stakeholders.
Iginagarantiya ni Marbil na magiging safe, orderly, at meaningful ang okasyon na dadaluhan ng milyun-milyong deboto ng Black Nazarene.
“Traslacion is a profound expression of faith and devotion. The PNP is fully committed to safeguarding every devotee, dedicating all necessary resources to ensure peace and order during this sacred occasion,” sabi ni Marbil.
“Security is a shared responsibility. Through unity and collaboration, we aim to make Translacion 2025 a secure and spiritually enriching experience for everyone,” dagdag pa ng top cop. Eh di wow!
Hinikayat ni Marbil ang lahat ng devotees ng Black Nazarene na makipag-cooperate sa kanilang security protocols, ireport ang mga kahina-hinalang kilos para sa kanilang kaligtasan.
“Your vigilance and cooperation are vital to the success of this event,” ani Marbil. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sinabi ni Aberin na all systems go na ang NCRPO para sa seguridad ng okasyon. Katunayan, nagkaroon na ng send-off ceremony noong Martes sa Camp Crarme na dinaluhan nina Marbil, Aberin, Ibay at Mayor Lacuna.
Kasama sa contingent na idineploy sa Quirino Grandstand ang 1,300 na mga pulis ni PRO3 director Brig. Gen. Red Maranan.
“After months of meticulous security preparations, your NCRPO, together with partner agencies, is now ready to perform our task of securing the Feast of Jesus Nazarene 2025,” sabi ni Aberin.
“I urge everyone to work together for a safe and solemn celebration,” sabi pa ni Aberin. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Nanawagan naman si Ibay sa mga devotee na magpairal ng health protocols tulad ng paggamit ng face mask, at alamin nila ang kinatayuan ng mga health at rescue teams.
Aniya, mahigpit na ipinagbawal ang pagdala ng mga bagay na pumuputok at deadly weapons, maging ang pagdalo sa okasyon na lasing o nakainom ng alak.
Ayon kay Ibay, papayagan ang two feet and below na mga hand-carried na imahe, maging ang transparent raincoat at honcho subalit ang iba pa ay bawal na. Total ban na din ang backpacks, payong, alcohol, at mga vendors sa paligid ng Quiapo Church.
Ayon kay Ibay no fly, no drone and fly zones ang ipapairal din sa 500 meters kung saan gaganapin ang traslacion.
Hayan mga kosa, sumunod lang kayo para magiging mapayapa ang okasyon. Mismooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Habang abala naman si Ibay sa seguridad ng traslacion, kumana naman ng pagkakaperahan si Lt. Col. Arwyn Gaffud ang hepe ng MPD DSOU.
Gustong magpadagdag ni Gaffud? Tsk tsk tsk! Ayaw din ni Gaffud na ma-promote si Aberin? Hehehe! Si Sgt. Tony Torres kaya?
Abangan!
- Latest