^

Punto Mo

Mayang (100)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

UNANG napansin ni Mayang ang lalaki nang magbukas siya ng kanyang tindahan ng damit dakong alas nuwebe ng umaga. Tuwing ganoong oras siya nagbubukas ng tindahan dahil inaasikaso muna niya ang anak na si Jeffmari sa pagpasok sa school.

Kapag nakapasok na sa school si Jeffmari ay maglalaba at maglilinis muna siya ng bahay.

Kapag natapos, saka siya magtutungo sa palengke para mag­bukas ng tindahan. Madalas na siya na lamang ang tanging hindi nakakapagbukas ng tindahan kaya maraming customer na ang nakalampas sa kanya.

Nanghihinayang si Mayang dahil ngayong panahon malakas ang panindang damit dahil malapit na ang pista ng bayan. Marami ring pera ngayon ang mga tao dahil panahon ng anihan.

Hindi pinansin ni Mayang ang lalaki dahil baka naman talagang may hinahanap ito sa palengke kaya pabalik-balik.

Baka may binibiling mahalaga at maraming beses na pinag-aaralan ang bibilhin. Baka bibili ng mga kailangan sa bahay o kaya’y mga gamit gaya ng martilyo o lagari.

Pero nang may tatlong beses nang dumaan sa harap ng stall niya  ang lalaki ay nagsimula nang magduda si Mayang.

Kung ito ay naghahanap ng mga gamit para sa bahay at iba pang materyales, dapat hindi dito sa damitan maghanap. Ang section para sa mga hardware needs ay nasa basement. Naroon din ang lahat nang gamit para sa construction.

Naging alerto na si Mayang.

Kapag dumaan muli ang lalaki, ay kukunin na niya ang aten­siyon ng iba pang may-ari ng stall. Mas mabuting marami silang makakita sa kahina-hinalang lalaki.

Pero hindi na nagbalik ang lalaki. Maaring nagkamali lang siya sa hinala sa lalaki.

 

MAKALIPAS ang tatlong araw, maagang nagbukas ng puwesto si Mayang. Wala siyang ginawa sa bahay kaya nakapunta agad siya sa palengke para magbukas.

Marami agad siya naging customer. Ilang damit pambabae ang nabili agad sa kanya.

Nang mag-alas nuwebe ng umaga, abala si Mayang sa pag-iimbentaryo ng mga damit.

Nang mapansin na naman niya ang lalaki na nakita noong isang araw. Pamasid-masid ito.

Hanggang mapansin ni Mayang na may nakabukol sa tagiliran—baril!  (Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with