^

Punto Mo

Gen. Ibay, hinahabol ng media!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Peborit sa ngayon ng news outlets si MPD director Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay. Bakit? Lilinawin ko lang mga kosa ha! Wala namang kahindik-hindik na kaso sa kabuuan ng Maynila sa ngayon kaya lang nag-uunahan ang media na ma-interbyu si Ibay dahil sa kaganapan sa Feast of Black Nazarene sa Enero 9.

Nais ng mga taga-radio at telebisyon na maka-scoop patungkol sa preparasyon ng MPD sa naturang okasyon. Siyempre, ang kadalasang oras ng interbyu ay sa madaling araw, hanggang sa gabi na ‘yun. Game naman si Ibay dahil tungkulin din niyang maiparating sa sambayanang Pinoy ang mga bawal at hindi bawal sa Traslacion, na tinitiyak ng mga kosa kong dudumugin ng milyun-milyong deboto ng Black Nazarene. Get’s n’yo mga kosa?

Kaya kapag nakita n’yo si Ibay anumang oras ngayon na malaki ang eyebags, alam n’yo na ang dahilan ha, mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ang pagselebra ng Feast of Black Nazarene at iba pang aktibidades mga kosa ay hindi lang naman sa MPD nakaatang ang seguridad, kundi maging sa local government unit, sa simbahan ng Quiapo at iba pang stakeholders. Kaya nandun si Manila Mayor Honey Lacuna at taga-Simbahan nang ibando ni Ibay ang napagkasunduang seguridad sa pahalik, walk-through at iba pang mga alituntunin para maging mapayapa ang okasyon.

Nitong last Friday lang, humarap sa media sina Ibay, Mayor Lacuna at representante ng Quiapo Church kung saan ibinando ng una ang gun ban. Kaya sa mga Manilenyo na may baril, ‘wag n’yo nang bitbitin ito kapag lumabas kayo sa inyong bahay mula Enero 8-11.

Sa mga nasa paligid naman ng Maynila, umiwas kayo kapag may dala kayong baril. Pag nagkataon kasi, baka humimas kayo ng rehas na bakal sa unang mga linggo ng 2025. Waland’yo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Iniutos naman ni Mayor Lacuna kay Ibay na mahigpit na ipatupad ang liquor ban kasabay ng pag-implement ng gun ban. Lagot! Fiesta ng Quiapo ‘yun, paano walang inuman? Sanamagan! Pero kung maipatutupad ng MPD ang gun ban at liquor ban, abayyyyy timitiyak ni Mayor Lacuna na magiging matahimik at mapayapa ang okasyon. Mismooo!

Kung sabagay, baka bawal lang bumili at uminom sa kalye subalit kapag sa loob ng bahay ay puwede. Ano sa tingin mo Gen. Ibay? Hehehe! Para-paraan lang ‘yan, di ba kosang Bugoy Paterno? Ang sakit sa bangs nito!

Sa parte naman ng Bureau of Fire Protection, nagpadala naman ng kanilang contingent si Sr. Supt. Douglas Guiyab, ang BFP NCR Assistant Regional Director for Operations ng walong firetrucks, kasama na ang medical and hazardous material teams.

Nakapuwesto ang firetrucks sa iba’t ibang staging areas umpisa pa sa “Pahalik” sa Quirino Grandstand. Samantala, ang Fire Disrict 2 at 3 ay naka-standby naman para rumesponde kapag me sumiklab na sunog. Hindi lang ‘yan! Ang Department of Health at Red Cross ay nagpadala din ng kani-kanilang team para ang okasyon na may theme na “Mas Mabuti ang pagsunod keysa paghahandog”’ ay magiging matagumpay. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!

FEAST OF BLACK NAZARENE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with