^

Punto Mo

Buhayin ni PBBM ang NACIDA

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

ISINULONG ni dating Pres. Ferdinand Marcos Sr. noong 1972 at pinondohan ng gobyerno ang National Cottage Industries Development Authority (NACIDA). Ito ay upang matugunan ang kinakapos na pamumuhay ng mga Pilipino sa mga liblib na lugar sa bansa.

Work from home noon ‘yun!

May mga nagtagumpay at napalago ang maliit na puhunan na naging sandalan ng simpleng pamumuhay at naitaguyod ang pagpapaaral ng kanilang mga anak. Walang pumipila sa ayudang tulad ngayon na mistulang namamalimos.

Nakatawag pansin sa mga mamumuhunang dayuhan ang kahusayan sa paglikha ng magagandang uri at disenyo ng mga homemade na produktong tulad ng rattan furnitures, dining sets, cabinets, embroideries, bags, na niyari mula sa mga lokal na materyales mula sa ating kagubatan at karagatan.

Meron tayong sariling industriya ng bakal, semento, clay building materials at telang habi ng mga katutubo na nang lumaon ay naging pag-aari na ng mga dayuhang namuhunan.

Utak modernization daw!

Nag-iimbita tayo ng foreign investors upang matugunan ang kakulangan sa mapapasukang kompanya upang magkaroon ng trabaho ang mga Pilipino samantalang patuloy naman tayo sa pangungutang upang makagawa ng kalsada, dams, eskuwelahan, ospital at riles ng tren.

Pang-engganyo raw sa foreign investors ‘yun!

Nilamon ng sistema ng kasakiman ang bansa noon na sinamantala ng mga lintang cronies ni Marcos Sr. kaya hindi nakausad ang ating bansa at nalubog pa sa utang. Yumaman sila at lalong naghirap tayong mga Pilipino.

Bagong Lipunan ng mga busabos?

Hanggang ngayon, lantaran ang pangungupit ng mga opisyales ng gobyerno at mga sukab na pulitiko mula sa malaking porsiyentong galing sa diumano’y mga proyekto ay idinideposito nila sa foreign banks. Nakakapangilabot lalo kung ghost projects pa ang karamihan.

May karma naman!

Kung ang lahat ng inuutang nating salapi sa ibang bansa ay pinupuhunan at nagagamit lamang natin sa paglikha at pagpapalago ng sarili nating produkto at industriya ay mas malayo na siguro ang narating natin at nanatili tayong isang mayamang bansa sa Asya.

Makakabawi si PBBM kung may maipapakulong siyang magnanakaw sa gobyerno. Kahit kamag-anak niya. Di ba?

Malusog na Tatlong Hari sa lahat!

NACIDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with