‘Panyo’ (Part 2)
KUNG minsan ay napagkakamalan akong “binabae” ng aking mga kaklase noong ako ay nasa first year high school. Uso na rin noong ‘70s ang pambu-bully at ako nakaranas din ng ganun.
Isang siga-siga kong kaklaseng lalaki ang nambulatlat sa aking bag at nakita ang aking mga panyo. Dalawang panyo ang nasa bag ko—isang kulay pink at red. Nang makita na pink ang aking panyo ay ipinagkalat na “binabae” raw ako. Hanggang sa ang iba ko pang kaklase ay nakigaya na rin sa panunukso sa akin.
Dahil hindi naman talaga ako “binabae”, hinamon ko ng suntukan ang nambully sa akin.
“Suntukan tayo para makita mo kung sino ang binabae!’’ sabi ko.
Palibhasa’y bully, tinanggap nito ang hamon ko.
Paglabas namin ng school, nagsuntukan kami. Palibahasa’y mas matangkad ako at mas malaki ang katawan, nasuntok ko sa pisngi ang bully.
Gumanti siya pero hindi ako tinamaan.
Nagpambuno kami. Pero dahil malaki ako, napaibabaw ako at ilang beses kong nasuntok sa ulo.
Nagpagulung-gulong kami sa kalsada.
(Itutuloy)
- Latest