^

Punto Mo

EDITORYAL - Pag-asa

Pang-masa
EDITORYAL - Pag-asa

MARAMING kalamidad ang tumama sa bansa noong 2024. Sunud-sunod ang mga malalakas na bagyo, baha, pagguho ng lupa, pagputok ng mga bulkan, malalaking sunog, malalagim na aksidente sa kalsada at iba pang mga nakalulunos na pangyayari.

Pero sa kabila ng mga ‘yan, nananatili pa rin ang pag-asa sa puso ng mga Pilipino. Naroon pa rin ang kanilang paniniwala na magbabago ang lahat nga­yong 2025. Ang mga masasamang nangyari noong 2024 ay mapapalitan nang magaganda ngayong taon na ito.

Sa surbey ng Social Weather Stations (SWS) noong Disyembre 12-18, 90 percent ng mga Pilipino ay ­naniniwalang magiging maganda sa kanila ang 2025. Sasalubungin nila ang 2025 na punumpuno ng pag-asa. Bagama’t ang 90 percent ay mas mababa kaysa sa mga nakalipas na taon, nananatili pa ring buhay ang pag-asa. Walang nababago sa minimithi nilang pagbabago na sana ay mangyari na sa 2025.

Kahit ang mga namatayan sa pagguho ng lupa sa Batangas dahil sa bagyo noong nakaraang Oktubre ay naniniwalang may pag-asa pa ring hatid ang 2025. Hindi nawawala ang kanilang pag-asa at magpapatuloy pa rin sila at lalaban sa hamon ng buhay.

Kahit ang mga namatayan ng kaanak sa mala­laking sunog na naganap sa Metro Manila noong ­Disyembre ay naniniwalang lilipas din ang bangungot at makababangon sila sa kabila ng trahedya. Marami sa kanila ang nawalan ng tahanan at ang karamihan ay nakatira sa kamag-anak.

Sa kabila na marami ang nawalan ng tahanan sa nangyaring landslides kamakailan sa Bicol Region dahil sa walang tigil na pag-ulan, marami sa kanila ang naniniwalang makababangon at makapagpapagawa ng bagong bahay sa 2025. Malaki ang paniniwala nila na magbabago ang buhay.

Marami rin naman sa mga naging biktima ng pagputok ng Bulkang Taal at Kanlaon na makababangon sila at makapagsisimulang muli. Lahat nang mga napinsala sa kanila ay muling maibabalik at uunlad ang kanilang kabuhayan.

Marami rin ang naniniwala na ang mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa trahedya ay maghihilom ang sugat at ganap na malilimutan ang mga nangyari.

Mataas ang paniniwala ng mga Pinoy na sa bawat pagpapalit ng taon, may kasama itong pagbabago sa buhay. Hindi lahat ay pawang siphayo ang mararanasan kundi marami ring magagandang pangyayari. At ngayong 2025, malaki ang paniniwalang magaganap na ang kanilang mga pinapangarap at inaasam.

NEW YEAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with