^

Punto Mo

Maari bang kaltasan ng unyon?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nakatanggap po ako ng bonus dahil sa collective bargaining agreement pero bawas na po ito nang makuha ko. Agency fee raw ang kinaltas mula sa bonus at mapupunta raw ito sa unyon na nag-negotiate ng CBA namin. Pinapayagan po ba ito ng batas kahit hindi naman ako miyembro ng unyon at wala naman akong pinirmahan para kaltasan ang natanggap ko? —Paul

Dear Paul,

Sa ilalim ng Article 259 (e) (dating Article 248) ay kinikilala ng Labor Code ang karapatan ng mga unyon na mangolekta ng union dues kahit mula sa mga hindi nila miyembro.

Maaring kaltasan ang natanggap na halaga ng empleyadong hindi naman miyembro ng unyon ng kung (1) ang unyon ay ang kinikilalang collective bargaining agent na nakikipagnegosasyon sa employer para sa benepisyo ng mga empleyado at (2) tinatanggap naman ng empleyado ang mga benepisyong naging bunga ng pakikipag-negosasyon na ito ng unyon kahit hindi naman siya miyembro nito.

Sa ganitong pagkakataon, hindi na kailangan ng written authorization mula sa empleyado para kaltasan ang kanyang natanggap na halaga kung tinatanggap naman niya o nakikinabang siya sa mga benepisyo na resulta ng pagkikipag-negosasyon ng unyon.

Ayon kasi sa desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Holy Cross of Davao College, Inc. v. Hon. Joaquin [331 Phil. 680, 692 (1996)], magiging unjust enrichment o hindi makatuwirang pagpapayaman kung makikinabang sa mga benepisyong bunga ng pakikipagnegosasyon ng unyon ang mga hindi naman miyembro nito at kung hindi naman kinakaltasan ng union dues o agency fees ang kanilang natanggap na benepisyo.

Kaya base sa nabanggit at sa iyong inilahad, maaring kaltasan ang bonus mo kahit hindi ka naman miyembro ng unyon at kahit walang permiso mo.

UNION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with