^

Punto Mo

Mayang (92)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, naglalaro sina Jeff at anak na si Jeffmari­ sa salas. Nagtataguan sila. Kunwari ay hindi makita ni Jeff ang nagtatagong si Jeffmari.

“Nasaan ka Jeffmari?’’

Hindi sumasagot ang anak. Nasa kabila ito ng pinto pero kunwari ay hindi makita ni Jeff.

Hanap siya nang hanap!

“Hindi kita makita! Nasaan ka ba? Lumabas ka na Jeffmari­.’’

Biglang lumabas si Jeffmari.

“Ang hina mong maghanap Daddy, andito lang ako sa may pinto nagtatago.’’

“Ba’t hindi kita makita?’’

“Aywan ko sa’yo, Daddy!’’

“Sige di bale sa sunod pagbubutihan ko na ang pagha­hanap. Makikita na kita.’’

“Sige Daddy.’’

Damang-dama ni Jeff ang kasayahang nadarama ni Jeffmari. Talagang sabik makipaglaro.

“Ang saya-saya ko Daddy!’’ sabi ni Jeffmari.

“Bukas ibang laro naman.’’

“Sige Daddy.’’

Hanggang may itanong si Jeffmari sa ama.

“Daddy aalis ka pa ba para magtrabaho sa New Zealand?”

“Oo Jeffmari.’’

“Ay huwag ka na sanang umalis Daddy.’’

“Aalis ako pero sandali lang. Kailangan kong kunin ang separation pay.’’

“Ipangako mo Daddy.’’

“Oo babalik agad ako.’’

Lingid sa dalawa ay nakikinig si Mayang sa kanilag pag-uusap. Gusto na namang madurog ang kanyang puso. Sabik na sabik si Jeffmari sa ama. Ang gusto ni Jeffmari, lagi silang magkatabi ng ama.

Nagpatuloy si Jeff sa pagsasalita.

“Basta, ang pangako ko, babalik agad ako, Jeffmari.”

“Sige Daddy.’’

Niyakap ni Jeff ang anak.

Dama niya na sabik na sabik ito sa kanya. (Itutuloy)

MAYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with