‘Rebentador’ (Part 2)
INAAMIN ko masyadong malakas ang aking loob sa pagpapaputok ng rebentador. Kung ang ibang kabataan na kasing edad ko ay mahina ang loob sa pagsisindi ng rebentador, ako ay hindi. Wala akong takot.
Natatandaan ko, hahawakan ko ang rebentador sa pinakadulo nito at saka sisindihan. Kapag malapit na malapit nang maubos ang mitsa, saka ko bibitawan. Wala namang nangyayari sa akin. Buo pa rin ang daliri ko. Hindi rin ako nasasabugan sa mukha.
Ang lahat nang kapangahasan ko ay lingid sa aking magulang. Kahit na madalas silang nagpapaalala ay hindi ko sinusunod ang payo. Medyo may katigasan ang aking ulo noon. Lagi kong sinasabi na walang mangyayari sa akin sa pagpapaputok.
Hanggang sa magyari ang hindi ko malilimutang karanasan. Bisperas ng Bagong Taon.
Inipon ko ang mga rebentador at inilagay sa isang basyong lata ng gatas. (Itutuloy)
- Latest