Baka hindi n’yo pa alam (Last part)
December 25, 2024 | 12:00am
- Sa U.S., may 20,000 rent-a-Santas na dumadaan sa training bago maging “professional Santa”. Isa sa dapat nilang iwasan bago pumunta sa party o makihalubilo sa mga tao sa mall ay panatilihing mabango ang katawan at hininga. Huwag kakain ng pagkaing maraming sibuyas, garlic at beans bago magtrabaho. Pampautot ang beans.
- Sa Poland pangkaraniwan nang Christmas decoration ang spider at spider web. May sinauna silang paniwala na ang ginamit na blanket ni Baby Jesus ay gawa sa spider webs. Kaya ang mga nabanggit ay simbolo ng goodness and prosperity.
- Naging official holiday lang ang Christmas sa U.S. noong 1870.
- Bilang environmentalist, ipinagbawal ni Pres, Teddy Roosevelt ang paglalagay ng Christmas tree sa White House. Noon ay totoong pinutol na punongkahoy ang ginagawang Christmas tree.
- Ang single na “White Christmas” ay best selling single of all time na may 100 million sales worldwide.
- Approximately, may 21,000 Christmas tree farms sa US. Noong 2008, may itinanim na 45 million Christmas tree upang madagdagan ang existing 400 million trees.
- Noong 1962 unang inilabas ang pinakaunang Christmas postage stamp sa U.S.
- Ang pinakaunang Christmas tree decoration ay mapulang mansanas. Ito ang isinasabit sa Christmas tree.
- “Silent Night” ang the most recorded Christmas song sa buong kasaysayan ng Pasko. Mayroon itong 733 different versions copyrighted simula noong 1978.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am