^

Punto Mo

Christmas tree ng isang pamilya sa U.S., dinapuan ng buhay na kuwago!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pamilya sa Virginia, USA ang nagkaroon ng sorpresang Christmas tree decoration ilang araw bago mag-Pasko. Sa halip na si Santa Claus ang bumaba sa chimney, isang ligaw na barred owl ang kanilang naging bisita ngayong holiday season!

Ayon sa ulat, pumasok ang malaking ibon sa bahay ng pa­milya sa pamamagitan ng kanilang chimney. Agad itong naakit sa kanilang Christmas tree at doon dumapo.

Hindi pa nakuntento, inalis nito ang nakapatong na bituin sa tuktok ng puno at naupo sa puwesto nito, na tila ba ito na ang bagong “star” ng okasyon.

Agad namang tumawag ang pamilya sa Animal Welfare League of Arlington upang humingi ng tulong.

Sa video na ibinahagi ng naturang grupo, makikita ang kuwago na paikut-ikot sa bahay at nagbibigay-aliw sa mga bata. Humahalakhak ang mga bata habang pinanonood ang kuwago. Matapos maglibot sa kusina, bumalik muli ang ibon sa Christmas tree.

Dumating si Sgt. Murray ng Animal Welfare League at ma­ingat na nahuli ang kuwago bago ito pinalaya sa natural habitat nito.

Pinaalalahanan ng Animal Welfare League ang publiko na tiyaking may takip ang kanilang mga chimney, lalo na tuwing taglamig, upang maiwasan ang pagpasok ng mga hayop tulad ng ibon, squirrels, at paniki.

Dahil winter sa North America, naghahanap ang mga hayop doon ng mainit na lugar upang magkubli mula sa lamig o minsan pa’y ginagamit itong pugad sa kanilang panganganak.

Bukod dito, makakatulong din ang chimney cap sa pagpigil ng mga debris tulad ng dahon, niyebe, at iba pang dumi na maaring bumagsak sa loob.

Ang kuwago na nakadapo sa tuktok ng Christmas tree ng isang pamilya sa Virginia, U.S.A.

CHRISTMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with