‘Krismas Tri (Last part)’
INILALAGAY ni Ruben sa pinakatuktok ng Krismas Tri ang palara na hugis star nang may makita siya sa sanga.
“Ahassss!’’
Sa pagkagulat ni Ruben ay muntik pa siyang mahulog sa silya na tinuntungan.
“Nasaan? Nasaaaaan?’’ tanong ko na napaatras din. Inilalagay ko noon ang mga balls sa sanga.
“Nasa sanga sa gitna!’’
“Gaano kalaki?’”
“Kasing laki ng kandila!’’
“Anong kulay?’”
“Green. Nakita kong lumabas ang dila!’’
Dahil sa pagkakagulo namin, narinig iyon ni Nanay.
“Ano yang ingay na ‘yan?’’
“May ahas Nanay sa Krismas Tri!’’ sabi ko.
“Diyos ko! Teka at tatawagin ko ang tatay nyo!”
Nang bumalik si Nanay kasama na si Tatay at si Tandang Nano na magtatawak. Sanay humuli ng ahas si Tandang Nano.
Nahuli ang ahas. Makamandag ito. Mabuti at hindi kami nakagat.
Nang wala na ang ahas itinuloy namin ang pagdekoreyt sa Krismas Tri. Kahit natakot, tuloy din ang Pasko.
- Latest