^

Punto Mo

Metro matahimik, sa ‘back to basics’ program ni Aberin!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAGING matagumpay ang programa na “back to basics” ni NCRPO chief Brig. Gen. Anthony Aberin para panatilihing matahimik, secure at orderly ang Metro Manila sa panahon ng Kapaskuhan at Simbang Gabi.

Ayon sa crime monitoring ng NCRPO, consistent na bumababa ang kriminalidad sa Metro Manila. Ginawang basehan ni Aberin ang pagbaba ng 10.59 percent ng crime incidents sa Metro mula November 1 hanggang 22 kumpara sa November 23-December 14 nitong taon.

Malakas ang paniwala ni Aberin na ang pinaigting na deployment ng kapulisan, saang sulok man ng Metro Manila, kasama na ang agresibo at walang humpay na estratihiya kontra kriminalidad, nagresulta sa matahimik na Kamaynilaan, hindi lang nitong Pasko at New Year, kundi maging sa iba pang okasyon. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize yan?

Mula nang maupo sa trono ng NCRPO noong November 23, iba’t ibang makabagong programa ang ipinatupad ni Aberin para paigtingin ang seguridad ng Metro Manila, lalo na at maraming darating na major events. At kaagapay ng pulisya ang mga local government units at komunidad para makapagdeliber ng maayos at matahimik na Metro.

Dahil sa pag-implement ng security model na “back to basics”, hindi mabilang na security milestones ang nadeliber ng NCRPO, lalo na sa kampanya vs droga, loose firearms at iba pa.

“The comprehensive update on the implementation of the security model resulted from the collective efforts of the men and women of NCRPO, the LGUs, security partners, and, of course, the communities in Metro Manila,” ayon kay Aberin. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Masayang inreport ni Aberin na dahil sa agresibo at human-rights adherent na kampanya laban sa droga, umabot sa 889 drug suspects ang naaresto ng NCRPO sa isinagawang 589 operations mula November 23. Nakumpiska ang umaabot sa P59 milyon na halaga ng shabu at iba pang droga, aniya.

“This is a work in progress as NCRPO continuously fine-tunes its operational processes to improve the supply and demand reduction strategies against the illegal drug menace,” ayon kay Aberin.

Hindi pa kasali d’yan mga kosa ang P15 milyong halaga ng droga na nakumpiska ng mga tauhan ni Col. Josefino Ligan, director ng Northern Police District sa buy-bust operation sa Navotas.

Isang 40-anyos na Chinese national at 28-anyos na kasamang babae, na kapwa sa taga-Subic, Zambales ang inaresto. Apat na zip-lock ng shabu na may kabuuang 2,226.6 grams ng shabu ang nakuha sa posesyon ng dalawang suspects, ani Ligan sa kanyang report. Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Kasama sa accomplishments ni Aberin ang pagkaaresto sa 1,111wanted persons. Sa preparasyon naman sa 2025 midterm elections, aabot sa 154 katao ang inaresto at narekuber ang 166 loose firearms.

Sa illegal gambling naman, 1,886 katao ang naghihimas ng rehas at P357,865 bet money ang nakumpiska. Dipugaaaaa! Pinapurihan ni Aberin ang NCRPO rank-and-file at hinikayat niya ang mga ito na sa pagpatupad ng kanilang tungkulin, kailangang mahigpit nilang obserbahan ang Police Operational Procedures para hindi sila maligaw ng landas. Abangan!

NCRPO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with