^

Punto Mo

Nagsibakan sa BOC, gumanda na kaya ang koleksiyon?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NANGYARI na ang inaasahang pagsibak sa mga presidential appointees ng Duterte administration sa Bureau of Customs (BOC) na pinutakti ng intriga sa ginawang imbestigasyon ng House quad committee.

Sa palasyo raw galing ang order. Matino naman kaya ang ipinalit?

Sa testimonya ni Customs broker Mark Taguba, sinabi nito na isa siya sa mga broker sa BOC na napipilitang magbigay ng milyones na parang enrollment fees sa Davao group syndicate. Ito ay para mapabilang siya sa “broker players” sa BOC na untouchable.

Makaiiwas daw ang kanilang kargamento sa alert status na maaring pagbayarin ng karagdagang buwis o kumpiskasyon. Nakakulong si Taguba dahil nahuli ang inilabas niyang kargamento na may nakatagong shabu.

Akala ko ba enrolled siya?

Pinangalanan ni Taguba ang BOC officials na binibigyan niya ng “tara” kaya napakaliit na buwis na ang binabayaran sa bawat 40 footer container shipments na inilalabas nila sa BOC.

May makasama kaya sa kulungan si Taguba?

Mas malala ang testimonya ni Customs Intelligence Officer Jimmy Guban. Pinangalanan niya ang mga taong diumano’y malalapit sa pamilya Duterte na miyembro ng drug syndicate sa bansa.

Nakakulong si Guban dahil sumabit siya sa nahuling shabu shipments kung saan siya nakadestino.

Poor intelligence siguro. Di kaya?

Panahon na ng administrasyon ni Digong nang pinangalanan ni dating senador Ping Lacson sa isang previlege speech ang mga opisyales na kumukubra ng “tara” sa BOC. Wala namang nasibak na presidential appointee maliban kina Commissioners Nicanor Faeldon at Isidro Lapeña. Inilipat lang sa ibang departamento ng gobyerno.

Hindi naman bago sa kaalaman nang marami na nagkakamatayan pa nga sa BOC noong panahon ni Digong. Inambus si Deputy Commissioner Art Lachica noong Nobyembre 2016 at si IT Operator Gil Manlapaz noong Pebrero 2022. Malamang na may kinalaman sa trabaho.

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with