^

Punto Mo

EDITORYAL - Maagang pangangampanya

Pang-masa
EDITORYAL - Maagang pangangampanya

MISTULANG Christmas tree na ang mga poste at punongkahoy sa dami ng mga nakasabit at nakadikit na campaign materials ng mga kandidato sa May 2025 elections. Sa Pebrero pa ang nakatakdang pangangampanya pero nilalabag na ang batas. Namumutiktik na sa dami nang nakakabit na tarpaulin ng kandidato sa mga pampublikong lugar. Nakabalandra na ang mukha at pangalan ng kandidato na bumabati ng “Merry Christmas and Happy New Year”.

Bukod sa mga nakasabit at nakakabit sa poste at puno, marami ring nakadikit at nakasabit sa cable wire. May mga tarpaulin na nakatali at may pabigat na bato sa mga kawad ng kuryente. Delikadong may mabagsakan na motorista o pedestrians.

Noong Huwebes, nanawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa local government units (LGUs) na baklasin ang mga nakakabit na campaign material sa mga pampublikong istruktura gaya ng pader, waiting shed, footbridge at iba pa. Ayon sa Comelec, dapat tumulong ang LGUs sa pagtanggal ng campaign materials sapagkat lantaran na ang paglabag ng mga kandidato. Noong Lunes, inisyu ng Comelec ang Resolution No. 11086 na naglalaman ng mga probisyon kaugnay sa fair election practices. May mga inilabas ding bagong item sa political campaigns. Bago magsimula ang campaign period, inaatasan na alisin lahat nang ipinagbabawal na uri ng propaganda kabilang ang mga pangalan, imahe, logo, brand, insignias, initials at graphical representations sa mga pampublikong istruktura at lugar.

Nararapat tumalima ang LGUs sa pakiusap ng Comelec na baklasin ang lahat nang campaign ­materials sapagkat labag ito sa batas. Hindi pa panahon ng kampanyahan pero malinaw nang ­nakakapangampanya ang maraming kandidato. Nakabandera na ang kanilang mukha at pangalan sa mga pampublikong lugar.

Dapat maging parehas ang mga pulitiko at huwag labagin ang batas. Dapat namang magkaroon ng matigas na babala ang Comelec sa mga kandidato na mahaharap sila sa kaparusahan kapag nilabag ang election code.

Kung nais ng mga kandidato na makuha ang simpatya ng mga botante, matutong sumunod sa batas at magpakita ng halimbawa. Sa ginagawang maagang pangangampanya ay nandaraya na sila. Ano ang aasahan sa mga kandidatong hindi pa nakakaupo ay nandaraya at nanlilinlang na. Delikadong mapuwesto ang mga nanlilinlang.

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with