Pagkain ng isipan
• Bakit ang siyudad ng Constantinople sa Turkey ay naging Istanbul? Noong araw, sa halip na tawagin ang Constantinople ng Greeks ang siyudad na nabanggit, tinatawag nila itong “the city”. Kapag tinanong ang isang Greek na taga-Constantinople kung saan siya nakatira, ang kadalasang isinasagot ay “in the city” na kung isasalin sa salitang Greek ay “Is Tin Poli”. Nang tumagal ay naging Istanbul na ito sa pandinig ng mga tao.
• Sa Naples Italy, may isang magandang kaugalian na kung tawagin ay Café Sospeso. May mga taong nakaluluwag sa buhay at mag-o-order siya sa coffee shop ng “sospeso”. Kapag umorder ng sospeso, dalawang tasa ng kape ang babayaran ng kostumer pero isang tasa lang ang kanyang iinumin. Ang isang tasa ay nakareserba sa kostumer na walang pera ngunit gustong magkape. Kaya kung walang pera ang isang tao, magtatanong lang siya sa coffee shop kung may available na sospeso.
• Noong 2011, natuklasan ng mga researcher sa University of South Florida na lumiliit ang tsansa ng mga coffee drinkers na magkaroon ng Alzheimer’s disease at dementia dahil sa isang “unidentified component” ng kape na nagiging epektibo sa tulong ng caffeine.
• Ang soda (softdrink) sa lata ay mas mabula at “fizzier” kaysa soda na nasa plastic bottle dahil hindi sumisingaw ang CO2 sa lata.
• Noong kalagitnaan ng 19th century, nagdatingan ang German immigrant butchers sa U.S. Ang naging hanapbuhay nila ay pagbebenta ng iba’t ibang klase ng sausages. Isa sa pinauso nila ay dachshund sausages. Ito ay payat at mahabang sausage kamukha ng katawan ng asong dachshund. Palibhasa’y mahirap bigkasin ang “dachshund”, tinawag na lang itong hotdog.
- Latest