‘Krismas Tri’ (Part 1)
NANGYARI ang karanasan kong ito noong Disyembre 1972 na ako ay nasa elementarya pa. Ako ay 65-anyos na ngayon at maayos ang pamumuhay. Kapag naalala ko ang aking kabataan, hindi ko maiwasang mapangiti at mapatawa. Kasi’y mayroon akong kakaibang karanasan noon na may kaugnayan sa Krismas Tri.
Tuwing Pasko ay kinaugalian na namin na maglagay ng Krismas Tri sa aming salas. Ang aming bahay sa probinsiya ay sinaunang yari kung saan ang mga bintana ay gawa sa kapis.
Makintab ang aming sahig na tabla at ganundin ang hagdan. Inaalagaan namin sa floor wax.
Pagsapit ng Nobyembre ay nagsasabit na kami ng parol sa bintana. Karaniwang parol lang ang nakasabit pero masayang-masaya na kami. Damang-dama ang diwa ng Pasko.
Isa rin sa kinasasabikan namin ay ang paglalagay ng Krismas Tri sa aming salas. Noon ay bihira pa ang mga plastic na Krismas Tri.
Ang ginagawa namin, pumuputol kami ng mayabong na puno at ginagawa naming Krismas Tri. Iyon ang sinasabitan namin ng kung anu-anong laruan. (Itutuloy)
- Latest