^

Punto Mo

‘Ligaw’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(LAST PART)

NANG makatayo ako, pakiramdam ko ay nawala ang isang makapangyarihang “nilalang” na kumukontrol sa isip ko. Sa isang iglap ay naging maliwanag ang lahat. Wala na ang pagkalito o pagkatuliro.

“Anjoooo! Anjooooo!’’

Malakas na sigaw mula sa di-kalayuan.

Hindi ako maaaring magkamali—si Benjo ang tumatawag.

“Nasaan ka Anjo? Magpakita ka! Kasama ko ang mga kaibigan natin at pati si albularyong Temyong!’’

Sa tawag na iyon, lalo nang nagliwanag ang lahat.

“Benjo, narito ako sa puno ng kawayan!’’ sigaw ko.

“Patungo na kami riyan. Huwag kang aalis o lilingon, ’’ sabi ni Benjo.

Maya-maya pa, nakita ko na si Benjo at dalawa pa naming kaibigan at ang albularyo.

“Anjo!’’

Kinamayan nila ako.

“Salamat at natagpuan ka namin. Isang linggo ka nang nawawala.’’

Nagulat ako. Isang linggo na raw akong nawawala.

“Naligaw ako. Sa kawayanan na ito ako napunta.’’

“Niligaw ka ng engkanto. At walang kawayanan dito.”

Nang tingnan ko ang paligid, walang kawa­yanan—pawang damuhan iyon.

“Matindi ang engkanto na nakakursunada sa iyo, sabi ni lolo Temyong. Mabuti at hindi ka tinangay.’’

Hinid ako makapaniwala sa nangyari. Mabuti at nilabanan ko ang puwersa ng engkanto.

Maya-maya, nagsabog nang maraming asin ang albularyo para palayasin ang engkanto na nagligaw sa akin.

KARANASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with