^

Punto Mo

Gen. Francisco, nag-inspection ng fireworks factory!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

PARA maibaba ang bilang ng casualty figures sa Christmas at New Year revelries, sinimulan na ni Civil Security Group director Maj. Gen. Francisco ‘Paco” Francisco ang pag-inspection sa mga fireworks factory sa Bulacan. Maagang mag-iikot si Francisco sa mga factory ng paputok para siguraduhin na nakasalang ang safety features ng kanilang pagawaan at kung ano ang nakalagay sa permit nila na gagawing paputok lamang ang kanilang mina-manufacture.

Hindi lang sa Bulacan at Metro Manila magsasagawa ng inspections ang CSG kundi maging sa iba pang regional sa buong Pinas. Mismooooo! Siyempre, kapag may nakitang violations sa permits ang mga CSG units, may kaukulang kaparusahan na igagawad si Francisco. Purbidang yawaahhhhh! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

May katwiran namang mabahala si Francisco dahil sa record ng Department of Health dahil sa Christmas at New Year revelries mula December 21, 2023 hanggang January 5, 2024, nagtala ang DOH ng 609 fireworks related injuries. Mas mataas ito ng 307 na kaso o 98.37 percent sa kasong naitala sa 2022-2023.

Ayon pa sa report, ang mga injuries ay sanhi ng mga illegal na paputok tulad ng 5-star, pla-pla, boga, kung saan 37 percent ang naitala. Araguyyy! Ang masama pa n’yan, 89 percent ng injuries ay nangyari sa kalye o sa bahay. Kaya’t tama lang na magkalat ng pulis sa kalye para matutukan ang pagpaputok ng illegal firecrackers para maiwasang tumaas ang bilang ng casualty nitong darating na Christmas at New Year revelries, di ba mga kosa?

Subalit ang pre-emptive measures ay itong inspection ng CSG sa mga fireworks factories para walang illegal pyrotechnics o fireworks na kakalat sa kalye. Ang sakit sa bangs nito!

Kaya’t mula next week, magiging busy na si Francisco at ang kanyang mga tauhan sa pag-iikot, hindi lang sa mga pyrotechnics hubs sa Bulacan, kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng Pinas.

Ang unang sinampulan ni Francisco nitong Linggo yt ang Dragon Fireworks Inc, na matatagpuan sa Bgy. Sampaloc, Bulacan kung saan sinalubong sila ng may-ari na si Joven Ong na nakipagkooperasyon at ipinakita ang kanilang mahigpit na pagsunod sa safety regulations, manufacturing standards at security protocols. Eh di wow!

Ginabayan din ni Ong si Francisco sa Dragon fireworks facilities tulad ng storage area, manufacturing processes at quality control programs. Wala namang nakitang violations si Francisco at ang kanyang inspection team. ‘Ika nga pasado ang Dragon fireworks factory ni Ong. Hayan mga kosa ha! Ang produkto ng Dragon fireworks ang bilhin n’yo para mailayo kayo at pamilya sa disgrasya sa Christmas at New Year revelries. Wanakosey!

Kung sabagay, kasama sa panawagan ni Francisco sa publiko ang pagbili lamang ng produkto ng authorized at licensed manufacturers, kung saan bibigyan kayo ng paalala kung paano ang paghawak at paggamit ng paputok para maiwasang lumanding kayo sa ospital.

Bawal din sa manufacturers ang magbenta ng hindi nila produkto, maging ang pag-import ng finished products na magiging kumpetensiya pa ng local financiers. Kaya’t malaki ang papel na gagampanan ni Francisco at kanyang mga tauhan para maibaba ang casualty figures sa Christmas at New Year revelries sa pangatlong taon ng termino ni President Bongbong Marcos. Ano pa nga ba? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs! Abangan!

FIREWORKS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with