^

Punto Mo

‘Ligaw’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(PART 7)

ISINUOT ko ang ba­liktad na t-shirt ayon sa turo noon ng aking namayapang Lolo Indo.

Nang maisuot, luma­kad ako pabalik sa pag-asang matutunton ko ang landas na pinangga­lingan.

Pero walang epekto ang baliktad na t-shirt. Hindi ko pa rin makita ang daan pabalik at pakiramdam ko, paikut-ikot lamang ako sa taniman ng kawayan.

Hanggang sa mapansin ko, padilim na nang padilim ang paligid. Nagtataka ako dahil­ nang umalis ako sa bahay­ bakasyunan nina Benjo ay pasado alas siyete lamang—katatapos ko lamang mag-almusal. Tandang-tanda ko na nasa paligid lamang ako ng bahay bakasyunan pero makalipas ang ilang minuto ay narito na ako sa kawayanan.

Ano itong nangyayari sa akin?

Pakiwari ko may isang kakatwang nilalang na kinatuwaan ako. Parang inililigaw ako!

Tumigil na ako sa paglalakad. Pagod na ako. Naupo uli ako sa puno ng kawayan.

Nag-concentrate ako.

Bigla kong naisip na nung unang araw namin sa farm nina Benjo ay may kakaiba na akong nararamdaman—parang may nagmamasid.

Baka ang “nilalang” na iyon ang may kagagawan!

(Itutuloy)

KARANASAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with