^

Punto Mo

Libu-libong katao, nagsayaw ng macarenasa kalsada para sa Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGING mas makulay at masaya ang taunang parada sa Newtown, Pennsylvania, U.S.A. matapos subukan ng mga libu-libong dumalo nito na makasungkit ng Guinness World Record sa pamamagitan ng pinakamalaking sabayang pagsayaw ng “Macarena”.

Ang Newtown Business Association ang nanguna sa world record attempt na ito, kung saan inimbitahan ang mga kalahok at manonood ng McCaffrey’s Newtown Holiday Parade na magtipon sa gitna ng Sycamore Street upang sabay-sabay sumayaw sa kantang “Macarena”.

Ang McCaffrey’s Newtown Holiday Parade ay isang taunang selebrasyon sa bayan ng Newtown, Pennsylvania, na dinadaluhan ng mga residente at turista upang ipagdiwang ang simula ng holiday season.

Ayon sa kasalukuyang record, ang pinakamalaking sabayang pagsayaw ng “Macarena” ay naitala noong 2011 sa Egg­buckland Community College sa England kung saan nakapagtala ng 2,219 dancers. Bagama’t hindi pa tiyak kung nalam­pasan ang bilang na ito, tiwala ang mga tagapag-organisa ng Newtown na naging matagumpay ang kanilang world record attempt.

Upang makakalap ng ebidensiya sa totoong dami ng luma­hok, gumamit ang mga organizers ng makabagong tek­no­lohiya tulad ng mga drone cameras. Ang mga nakunang video at litrato ay ipinasa na sa Guinness World Records para sa pormal na pagsusuri.

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with